• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jhaz, 40, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak nito ng droga.

 

 

Matapos tanggapin umano ni ‘Jhaz’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer ng droga kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:15 ng madaling araw sa Kagitingan St., Brgy. Muzon, kasama sila alyas Pilay, 38, na bumili rin umano sa suspek ng shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, natiklo naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Lourdes Compund, Brgy. Daanghari bandang alas-12:19 ng hating gabi ang dalawang listed drug pusher na sina alyas Bagul, 34, at alyas Richard, 36, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 5.29 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P35,972.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Epal, bawal sa community pantry-Año

    HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry.   Sa Talk To The People ni Pangulog Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizers ng cmmunity pantry ng […]

  • Punong Barangay at Treasurer ng Kaligayahan QC sinampahan ng reklamo sa Ombudsman

    SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document sa tanggapan ng Ombudsman sina Punong Barangay Alfredo ‘Freddy’ Roxas, kabilang ang isang Kagawad nasi Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City.     Ayon sa nagsampa ng reklamo na si Arjean Abe, nagtrabaho […]

  • DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG

    BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano.   Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at […]