• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan

2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.

 

 

 

 

Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay.

 

 

 

 

Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago raw niya seryosohin na magmahal.

 

 

“Sa totoo lang, mas mahirap piliin yung sarili mo kaysa mga bagay na gusto mo.

 

 

“Minsan you get blinded by the things you want,the things, you’re comfortable with.

 

 

“Like me, going to the states, I feel like it’s a parallel situation. It’s not the ideal move for me.

 

 

“But when you learn about yourself, it’s a big step,” seryosong banggit pa ng anak ni Piolo Pascual.

 

 

Samantala, suportado naman ni Iñigo ang pinagdaraanan ngayon ni Maris.

 

 

Matandaang inamin sa publiko ni Maris last week ang tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Rico Blanco.

 

 

Hindi naman ikinakaila ni Iñigo na napanood niya ang nasabing pahayag ni Maris tungkol sa hiwalayan nila ng singer.

 

 

“I actually watched it. I fell for her. I know it’s a tough but I see it in a good light. The way she talks sbout it. She’s getting to know herself. Im very proud of her.

 

 

“It’s a choice for her to turn a page, turn a new chapter,” pahayag pa ni Inigo.

 

 

***

 

 

23 years nang mag-asawa sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sabi pa ni Jessa na sa tagal daw nilang nagpe-perform together ay marami na raw silang natutunan.

 

 

“Every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% ‘yung ibigay niya,” sey pa ni Jessa

 

 

Kapwa hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula ay masaya naman daw sila sa takbo ng ksnilang career.

 

“We feel so blessed that na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano ‘yung trabaho na gusto naming tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng gano’n.

 

 

“Hindi na ito ‘yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami. Kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry. So ngayon ang mas nai-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangan gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin ‘yon.

 

 

“Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon ‘yung family ko,” sey pa ni Jessa.

 

 

Ayon pa rin sa singer at aktres ay mayroong na siyang mga tinanggihang proyekto partikular na ang paggawa ng serye.

 

 

“Natatanggihan ko kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Isang reason kasi ‘yung commitment na kailangang hindi ka mag-a-absent.

 

 

“Hindi ka pwedeng umalis ng six months. Parang gusto ko pa din mas ma-enjoy ‘yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa,” lahad pa rin ni Jessa.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • 800 PULIS IPAPAKALAT SA UNDAS SA MAYNILA

    IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.     Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.     Dagdag pa […]

  • Proud sa mga accomplishments kasama ang Sisters at Megasoft: MYRTLE, patuloy na sinusulong ang ‘proper feminine hygiene’ advocacy sa gitna ng pandemya

    SA loob ng anim na taon, naging magkatuwang na si Myrtle Sarrosa at Megasoft Hygienic Products Inc. upang ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan.     Tuluy-tuloy nga ang sisterly bond ni Myrtle at ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners matapos mag-renew ng kanyang endorsement […]

  • Philippines women’ volleyball team bigong makakuha ng medalya sa 2022 ASEAN Grand Prix

    WALANG  nakuhang panalo ang Pilipinas sa 2022 ASEAN Grand Prix sa Indonesia.     Ito ay matapos na talunin sila ng Indonesia sa score na 26-24, 25-22, 25-23.     Pinangunahan ni Jema Galanza ang Philippine Womens’ volleyball team na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Michele Gumabao at 10 points naman […]