• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kabilang na sa A-list celebrity endorsers ng ‘Beautederm’: JENNYLYN, walang kaarte-arte at mabait kaya puring-puri ni RHEA

IBANG-IBA ang glow ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry.

 

 

 

 

Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.

 

 

 

 

Sa nasabing selebrasyon last July 18, ipinakilala rin ni Ms. Rei ang bagong endorser ng Beautéderm na si Jennylyn Mercado. Kabilang na ngayon ang Kapuso Ultimate Star sa line-up ng A-list celebrity endorsers ng brand.

 

 

 

Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang products na ie-endorse ni Jen, na bagay na bagay sa kanyang timeless beauty, dahil parang hindi siya tumatanda.

 

 

Naging honest naman si Jen na ramdan niya na unti-unti na siyang tumatanda, dahil meron na siyang fine lines. Hindi rin siya nahiyang aminin na sobrang sensitive ang skin niya kaya may mga sakit siya balat tulad ng psoriaris at rosacea.

 

 

 

Kaya malaki ang maitutulong sa kanya ng skin care ng Beautederm.

 

 

 

Nagpapasalamat naman ang skincare executive sa Ultimate Star.

 

 

 

Pahayag ni Rhea, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty.

 

 

 

“I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin.”

 

 

 

Dagdag papuri pa ng generous ng CEO, “I did my research na napakabait talaga ni Jen.

 

 

“Napansin ko, ang bait talaga niya. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain.

 

 

“Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.”

 

 

Sagot naman ng Kapuso actress, “Ms. Rhea Tan is an inspiration to everyone. She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. She protects her brand and she values her consumers. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.”

 

 

Sinimulan ni Ms. Rei ang kanyang negosyo noong 2009 sa halagang 3,500. Dahil sa kanyang dedikasyon at marketing power, naging isang malaking beauty brand ang Beautéderm, na may mga store sa malls.

 

 

 

Sa tanong kung ano ang kanyang pinakamalaking achievements, sagot niya, “I was able to change my resellers’, employees’, and scholars’ lives and will continue doing that.”

 

 

 

Formulated with high-quality ingredients, ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) at kami mismo ay naka-try na ng three-mendous trio serum, na less than a month lang ay kitang-kita na ang results at talaga naman naggo-glow ang aming face.

 

 

 

Available na ito sa Shopee, Lazada, TikTok, at Beautéderm stores nationwide.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • HVI na tulak laglag sa P540K shabu sa Caloocan buy bust

    MAHIGIT P.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Michael Magdaong, 49, wood seller at […]

  • 10,196 public, private schools, nagpapatupad ngayon ng limited face-to-face classes — DepEd

    MAHIGIT sa 10,000 eskuwelahan na naghahandog ng basic education sa buong bansa ang kasalukuyan ngayong nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alerts Levels 1 at 2.     Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, base sa quick count “as of March 22,” may kabuuang 10,196 […]

  • Ateneo, La Salle muling magtutuos!

    MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.     Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa […]