KAHIT na nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome, pumayag si Celine Dion na mag-perform sa 2024 Olympics in Paris, France.
Sey ng Canadian music legend, aawit lang daw siya ng one song: “I’ve chosen to work with all my body and soul, from head to toe, with a medical team. I want to be the best I can be. My goal is to see the Eiffel Tower again!
Ayon naman sa TMZ, ang ibabayad kay Celine ay $2 million: “That doesn’t include money for Dion to travel to Europe with her family. They’re paying a ton of money. Ridiculous amount!”
***
KASALUKUYANG naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para matulungan ang mga apektado ng matinding pagbaha at walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Carina.
Para sa mga nais na magpaabot ng tulong sa mga apektado sa patuloy na pagragasa ng Bagyong Carina, maaari itong ipadaan sa GMAKF.
Maari din magdeposito sa mga bank account ng GMAKF, o via online sa GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank credit cards. Maaari ring magpadala sa Cebuana Lhuillier.
Pumunta lamang sa link na ito para sa kumpletonginstructions: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
(RUEL J. MENDOZA)