• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na gagawa ng teleserye: RONNIE, tinanggap ang offer dahil sa request ng namayapang ina

FIRST time na tumanggap ng teleserye si Ronnie Ricketts dahil ito raw ang request sa kanya ng namayapang ina na si Edith Naldo-Ricketts.

 

 

Ayon kay Ronnie, lagi siyang pinipilit ng kanyang ina na gumawa ng teleserye na mapapanood niya dahil naka-base siya sa United States noon.

 

 

“Sabi niya, ‘Anak, I hope makagawa ka man lang para mapanood kita’ kasi she’s based in the States. Sabi ko, ‘Mommy, may bagong offer.’ Ito nga, ‘yung Mga Batang Riles. Sabi niya, ‘Oh, gawin mo na.’

 

 

I said, ‘Mommy, may mga sina-suggest pa akong little ideas baka mapagbigyan ako.’ ‘Gawin mo ‘yan,’ that was the last word she told me. After I talked to her, three days after, my mom passed away,” saad ni Ronnie.

 

 

Isa pang rason ni Ronnie sa pagtanggap ng MBR ay mga bata ang bida na pinangungunahan ni Miguel Tanfelix.

 

 

“I want to mentor young actors kasi kailangan, e, so sabi ko ang sarap ipasa nung alam ko, ipapasa ko sa kanila. Mapu-push mo sila, e.”

 

 

***

 

 

NILINAW na ni Kim Cattrall ang mga balitang kumalat na makakasama na siya season 3 ng ‘Sex And The City’ reboot series na And Just Like That…

 

 

Nagkaroon kasi ng special appearance si Kim as Samantha Jones sa last episode ng AJLT season 2. Nag-usap sila ni Carrie Bradshaw (Sarah Jessica Parker) over the phone dahil nasa London siya.

 

 

Noong ma-renew for season 3 ang series, may nagkalat sa social media na mabubuo na ulit ang girls ng Sex And The City. Pero diretsang sinagot ni Kim ito via X: “Aw that’s so kind but I’m not.”

 

 

Never nga raw siya nakipag-usap with any HBO executives re the show. One time thing lang daw yung ginawa niya last season and she has put Samantha Jones to rest.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads October 3, 2023

  • Abil, kakampay sa Marinera

    NAKAHANDA nang umariba para sa 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 ang Marinerang Pilipina sa paghambalos ng season-opening conference women’s indoor volleyfest sa darating na Pebrero 29.   Siguradong mangunguna sa opensa ng Marinera si ace player Judith Abil kasangga sina Dimdim Pacres, Ivy Remulla at import Hana Cutura.   Maski mabigat ang hamon sa […]

  • Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games

    Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23.     Dahil dito ay inaasa­hang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bea­rers ng […]