• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abil, kakampay sa Marinera

NAKAHANDA nang umariba para sa 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 ang Marinerang Pilipina sa paghambalos ng season-opening conference women’s indoor volleyfest sa darating na Pebrero 29.

 

Siguradong mangunguna sa opensa ng Marinera si ace player Judith Abil kasangga sina Dimdim Pacres, Ivy Remulla at import Hana Cutura.

 

Maski mabigat ang hamon sa bawat koponan, kakayod ang Lady Skippers sa nalalapit na torneo para masungkit ang kampeonato.

 

“It’s a real challenge for everyone. Any small thing na we can see na pwede namin i-overcome sa team is already an opportunity for us,” paliwanag ni MP coach Milet Ponce-de Leon.

 

Matatasahan ang Marinera kontra Cherry Tiggo Crossovers sa Marso 3 ng alas-7:00 ng gabi sa The Arena sa San Juan City. (REC)

Other News
  • LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

    Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon. Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon […]

  • Ex-US Pres. Obama at asawang si Michelle kasalukuyang nagpapagaling na matapos magpositibo sa COVID-19

    NAGPAPAGALING na ngayon si dating US President Barack Obama matapos na siya ay magpositibo sa COVID-19.     Sinabi nito na maging ang kaniyang asawa na si dating first lady Michelle Obama ay nagpositibo rin sa COVID-19.     Dagdag pa ng dating US President na nakaranas ito ng pangangati ng lalamunan ng ilang araw. […]

  • 2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA

    DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. […]