Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya na bumuo ng mga bagong proseso at tiyakin ang maayos na pagpapatupad sa bagong polisiya sa loob ng tatlong buwan.
“The move will complement other health protocols now being enforced by the government, such as physical distancing, as it aims to limit human intervention and remove the traffic queuing and congestion at the toll plazas,” ayon pa sa DOTr.
Ayon sa DOTr, sakop ng department order ang Toll Regulatory Board (TRB), na inatasan na bumuo ng mga rules and regulations na nagre-require sa mga concessionaires at operators ng mga toll expressways na tuluyan nang gumamit ng electronic toll collection system; gayundin ang Land Transportation Office (LTO), na inatasan na magsumite ng pag-aaral para maghanap ng mga pamamaraan upang mapayagan ang full Cashless at Contactless System sa mga expressways.
Samantala, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inaatasan din namang i-monitor ang pagsunod ng lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa mandatory use o installation ng electronic tags o paggamit ng iba pang cashless systems sa kanilang mga units. (Ara Romero)
-
Walang fare hike
Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs). Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department of […]
-
Healing priest Father Suarez MMFF Biopic 2020
John Arcilla laughs at how people address him now as “Father Heneral”, with the release of his much-awaited title role movie “Suarez, The Healing Priest” for the Metro Manila Film Festival (MMFF). According to early feedback from previews of the movie, it’s another potential best actor award-winning performance for Arcilla, more famous for his […]
-
PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team
Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena. Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay […]