• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2020

‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng   South China Sea.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng  illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea.

 

Ani Sec. Roque, hindi isusuko ng Pilipinas ang  West Philippine Sea.

 

“Consistent naman po ang ating Presidente , he will not give even an inch of our national territory or sovereign rights to any other state,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nagprotesta ang DFA sa ginawang pagkumpiska ng China sa aggregating devices ng mga Filipinong mangingisda sa  Bajo de Masinloc, o mas kilala bilang Scarborough Shoal.

 

Para sa Pilipinas,iligal ang ginawang pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga payao ng mga mangingisdang Filipino.

 

Sa kabila ng walang ideya ukol sa overflights sa pinagtatalunang karagatan ay sinabi ni Sec.  Roque na ang mga Filipino, Vietnamese, at Chinese fishermen ay malayang makapangisda sa  Scarborough Shoal.

 

“Diyan po sa Bajo de Masinloc malinaw po lahat tayo pupuwedeng mangisda… ‘yan naman po ay kinikilala ng lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Siguro po opinyon ng Tsina ‘yan … We maintain that it’s part of our sovereignty or our sovereign rights,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya pa, ang kamakailan lamang na kaganapan sa South China Sea ay hindi naman makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.

 

“Hindi po magiging dahilan itong unresolved issue sa ating teritoryo bilang hadlang para isulong sa ating diplomatic bilateral relations with China, ‘yung mga bagay na pupuwede namang isulong, gaya ng kalakal at investments,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nangyari ang insidente noong Mayo sa 124 nautical miles na nasasakupan ng Palawan.

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na hindi sang-ayon ang Pilipinas sa patuloy na paglabas ng mga radio challenges ng China sa mga eroplano ng bansa na nagsasagawa lamang ng regular na pagpapatrolya.

 

Bagamat inaangkin ng Pilipinas ang shoal subalit naglabas ng kautusan ang arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands noong 2016 na walang bansa ang dapat kumuha ng sovereign rights sa Scarborough dahil ito ay traditional fishing grounds para sa mga Filpino, Vietnamese at Chinese fishermen.

 

Hindi naman kinikilala ng China ang nasabing ruling at inaangkin ang shoal dahil umano nasa 472 nautical miles ito na malapit sa probinsiya ng Hainan. (Daris Jose)

Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials.

Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong linggo “if there’s a high likelihood” na ang Phase 3 ng mass testing ay posibleng gawin na sa bansa.

“Conducting clinical trials in the Philippines is not an assurance that we’ll be the first one to get the vaccine,” ani Montoya sa isang panayam.

“A more important assurance is if we have negotiations with them as far as procurement is concerned, maybe special arrangements with their priorities, prices, et cetera,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa 16 na mga manufacturer sa posibleng bakuna na nasa iba’t ibang stages na ng clinical trials ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Maliban dito, kasama rin ang bansa sa COVAX Facility testing sa siyam na bakuna ar ang clinical trials ng World Health Organization sa limang bakuna.

COVAX ay “provide only 20 percent of what we require as far as the national population is concerned” to make sure that all countries “will have equitable access,” saad pa ni Montoya.

“The remaining 80 percent or so will be dependent on the country’s negotiation with the vaccine developers individually,” he said.

Una nang nangako ang Russia at US sa bansa na isasama nito ang Pilipinas sa kanilang listahan ng mga bansang uunahin sakaling mamahagi na ito ng bakuna, ayon pa kay Vergeire.

Denden umawra sa Olympic website

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod.

 

Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid sa Premier Volleyball League (PVL) mula sa Philippine SuperLiga (PSL) .

 

Isinalaysay rin ng 28-taong gulang, 5-5 ang taas at tubong Parañaque City kanyang ang pagiging pusong palaban niya.

 

Nagpasalamat din ang multi-awarded defense specialist sa pagkilala sa kanya ng Olympic Channel.

 

“Wow ! I did not expect this at all. Thank you for the beautifully written piece @olympicchannel,” tweet ng balibolista. (REC)

CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.

 

Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa nilang community isolation facilities sa Navotas National High School at Navotas Polytechnic College na parehong may tig-210 beds matapos lumobo ng husto ang bilang ng mga na residenteng nagpo-positibo sa COVID-19.

 

Bagama’t tumugon naman ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa paghingi ng ayuda ni Mayor Tiangco makaraang mabigyan ng 200 slots sa dalawang isolation facilities ng pambansang pamalaan sa Philippine Arena at World Trade Center, hindi mapigilan ng alkalde ang mahabag sa kanyang mga kababayan na mapalayo sa kanilang lungsod habang nagpapagaling ng karamdaman sa naturang mga isolation facilities.

 

Dahil malapit ng matapos ang inaapurang paglalagay ng karagdagang isolation facilities sa loob ng Centennial Park, hindi na kinakailangang ilabas pa ng lungsod ang mga Navotenos na magpopositibo sa virus at sa mga container van na ginawang isolation facility na muna sila mananatili habang nagpapagaling.

 

Malaki naman ang paniniwala ng bawa’t pamilyang Navoteno na hindi pababayaan ng alkalde at ng kanilang kongresistang si Rep. John Rey Tiangco ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng tinatamaan ng sakit kaya’t inaayos na mabuti ang mga container van upang gawing isolation facility.

 

Bagama’t hindi maalis ang pangamba ng marami na mainit sa loob ng van, batid nila na magiging katuwang ni Mayor Toby ang kapatid na si Rep, John Rey Tiangco para tiyaking malagyan ng air condition ang bawa’t pasilidad upang maging komportable kahit paano ang mga tinatamaan ng nakamamatay na virus. (Richard Mesa)

Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng  toll o electronic road pricing sa  main thoroughfare.

 

“Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente po yun,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, ipinaliwanag ni Transportation road sector senior consultant Alberto Suansing na layon ng ahensiya na resolba ang traffic congestion sa EDSA tuwing rush hour, kung saan nararanasan ito mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

 

Dagdag ni Suansing, panukala pa umano ito sa panahon ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos.

 

“How does it work? Kagaya sa Singapore, mayroong kalsada doon na hindi ka pwedeng dumaan during peak hours. kung dadaan ka, magbabayad ka. as simple as that. ‘Yan ang road pricing,” sabi ni Suansing.

 

“Dinidiscourage natin ang paggamit ng certain roads at certain times. ‘Yan ang rationale behind that,” sabi pa ni Suansing.

 

Gayundin, gagamitan ng radio frequency identification (RFID) ang paniningil ng toll fee, ayon kay Suansing.

 

Subalit, binigyang-diin ni Suansing, na kailangan at dapat na ayusin muna ang pampublikong transportasyon sa bansa, bago ito maipatupad sa ngayon.

 

“Hindi magiging makatwiran sa motorista ‘yan na i-implement, tapos wala ka namang may maio-offer na maayos na alternative. Maayos na public transport system,” ayon kay Suansing.

 

Samantala, nilinaw ng DOTr sa isang pahayag, na hindi pa pormal na napag-uusapan ng kasalukuyang pamunuan ang iminungkahing toll fee sa EDSA.

 

“This is an idea/concept suggested by various stakeholders, but has not been formally discussed yet by the present DOTr administration,” ayon sa statement.

 

Kaugnay nito, binasura naman ng Department of Transportation, sa ilalim ng  liderato ni Sec.Arthur Tugade ang nasabing  proposal.

 

Samantala, pinalagan ng ilang motorista ang iminungkahi ng gobyerno na paglalagay ng toll gate sa EDSA tuwing rush hour.

 

Mariing tinututulan ng mga motorista ang pagkakaroon ng toll fee, pati na rin mga pasahero dahil anila, dagdag na gastos at pahirap na naman ito lalo na’t unti-unti pa lang nakababawi sa pamumuhay ang karamihan sanhi ng pandemya ng coronavirus. (Daris Jose)

Amanda Villanueva, may lalim ang hugot

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na nakontrol ni indoor volleyball star Amanda Villanueva ang emosyon nang isapubliko ang kanyang malalim na hugot.

 

Sa Twitter account ng paalis sa Philippine SuperLiga (PSL) at pabalik ng Premier Volleyball League (PVL) player, dama na may pinagdadaanan  siya na hindi lang sa pinangalanang isang kaibigan.

 

“They are your friend until they are not. That’s just the way the dice roll. Accept it or not. Change is change,” tweet ng dating player ng Sta. Lucia Lady Realtors na babalik na sa BanKo Perlas Spikers.

 

“The faster you move on, the less you will give a damn in the long run,” naghimutok pang saad ng San Diego-born at dating balibolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Adamson University Lady Falcons.

Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.

 

Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.

 

Sa Red Cross laboratory dadalhin ang swab samples para iproseso kung saan malalaman ang resulta pagkatapos ng tatlo hanggang apat na araw.

 

Ayon sa Grab ang proyektong ito ay gagawin at magtatagal ng dalawang buwan sa ibang lungsod sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ni Grab Philippines president Brian Cu na uunahin muna nila ang may 40,000 na aktibong mga drivers at riders. Kasunod naman ay ang may humigit kumulang na 20,000 na drivers na natitira at naghihitay pa ng kanilang permit para mag operate.

 

Dagdag pa ni Cu, upang mahikayat ang mga drivers na sumailalim sa swab testing, ang kanilang kumpanya ay magbibigay ng P10,000 na assistance kung nag positibo ang isang driver habang sila ay naka quarantine.

 

Ang project na ito ay sa pagtutulungan ng Grab Philippines kasama ang National Task Force for COVID 19 at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

 

“The initiative is part of the government’s expanded targeted testing protocol, which aims to test frontline workers,” wika ni BCDA chief at testing czar Vince Dizon.

 

Ayon sa kanya, sa bagong guidelines, ang mga frontline workers na nasa special concern areas ay qualified na sumailalim ng libreng COVID-19 testing.

 

Kasama rin dito ang mga workers na nagtratrabaho sa public transportation sector tulad ng jeepney, bus at tricycle drivers.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa Grab para sa ginawang pilot initiative sa Quezon City. Nagkaron naman ng ika-dalawang swab testing na ginawa  sa Amoranto Sports Complex.  (LASACMAR)

Mga papuri, buhos pa rin sa nurse na tumulong magpaanak sa isang street dweller sa Makati

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy pa rin ang buhos ng mga papuri sa isang nurse matapos nitong tulungang manganak ang isang street dweller sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal, Makati City.

 

Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team sa social media ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang panganganak ng homeless.

 

Sa kwento ng nurse na si Mary Lorraine Pingol, late na raw siya sa trabaho nang tawagin ng barangay rescue team.

 

Hindi rin naman daw ito nakatanggi lalo pa’t isa siyang nurse na sumumpang tutulungan ang sinumang nangangailangan ng kanilang tulong.

 

“There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.” wika ni Pingol.

 

Aminado naman ang 29-anyos na si Pingol na hindi siya makapagtrabaho ngayon sa ospital dahil nasa remission pa siya sa sakit na leukemia.

 

Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang health maintenance organization (HMO). (Daris Jose)

Ads August 24, 2020

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional cage league.

 

Nang mag-disband ang dalawang team, nawalan na ng favorite team sa unang play-for-pay-hoop sa Asia ang aking tatay (Ramil Distrito Cruz).

 

Kaya nang mag-working student siya sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo, mag-correspondent na sa Balita,  at magsimulang mag-cover bilang reliever ni Flor Zaldy Perez sa Balita noong Mayo 1988, wala aniya siyang kinampihang team sa PBA.

 

Naging topic ko lang po ito ngayon dahil sa paghanga ng OD kay Joe Calvin Devance Jr. ng Ginebra dahil sa pag-aaral niya ng ating pambansang wika (Filipino o Tagalog) sa kasagsagan ng community quarantine ditto sa habang may COVID-19.

 

Mabibilang sa daliri ang hakbang na ito ng 38-anyos, may 6-7 taas na Fil-Am forward ng crowd favourite team.

 

Ang alam kong konektado sa PBA na talagang nag-aral ding mag-Tagalog, ayon sa aking papa ay si Meralco Bolts coach Norman Black.

 

Ginawa  ito ng 1989 PBA Grand Slam winner nang siya pa ang nagmamando sa Pop Co0la 800s ng RFM Corp. franchise noong 1997-99 sa paggabay ni team manager Elmer Yanga sa opisina ng kompanya sa Manda;uyong.

 

Ayon sa papa ko, kapag off-season ang PBA noon, 5-10 minutes niyang nakakausap sa landline telephone si coach Norman sa bahay niya. Ang misis niyang nanay ni dating PBA player Christopher Tan ang sumasagot sa telepono bago mag-uusap ng Tagalog ang ama ko’t si Black.

 

Kaya  saludo sa iyo ang OD Joe. Mabuhay ka!

 

***

 

Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon  o may nais po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa akin   sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Ipanalangin po nating lahat na matapos na ang  pandemya. Ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin po nating malakas ang ating pangangatawan at mabuti ang kalusugan.

 

Hanggang bukas po mga ka-PEOPLE’S Balita.

 

God bless us all! (REC)