Labis ang pasasalamat pati na rin si Dingdong… MARIAN, pinuri ni JOHN ang kahusayan sa pagganap sa ‘Balota’
- Published on August 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATATABA marahil ng puso kapag ang isang mahusay na artista ay pinuri ang husay mo sa pagganap.
Katulad na lamang ng Best Actor na si John Arcilla, inihayag niya via his Instagram account ang paghanga niya sa kahusayan ni Marian Rivera sa Cinemalaya film na ‘Balota’.
Lahad ni John sa kanyang IG’ “Marian made a film for Cinemalaya with relevant issues right after the Phenomenal BLOCKBUSTER film REWIND that raked Billion of Pesos in the box office. I think it is such an admirable act.
“It is indeed a gesture of giving back to the Industry where she found her passion. Salute to @marianrivera and God Bless you more! I will definitely watch this Film,” pahayag pa ng Volpi Cup Best Actor sa Venice International Film Festival para sa pelikulang On The Job: The Missing 8.
Bukod sa papuri kay Marian ay nag-promote pa si John ng ‘Balota’ sa publiko.
Sumagot si Marian sa post ni John ng, “Salamat po ng marami!”
Maging ang mister ni marian na si Dingdong Dantes ay may reaksyon sa post ni John…
“Salamat, Heneral,” ani Dingdong.
***
ALL-OUT raw ang suporta ng mga Pilipino sa Canada sa tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Sa naturang bansa kasi kasalukuyang nagaganap ang shoot ng pelikula ng dalawa ang ‘Hello Love Again’ na karugtong ng box-office movie nilang ‘Hello Love Goodbye.’
Sa isang episode ng GTV ‘Balitanghali’ nitong Biyernes, ipinakita sa isang video ang katuwaan ng mga Pinoys abroad na makita at makasalamuha sina Alden at Kathryn.
Kitang-kita rin sa video ang katuwaan ng KathDen sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pilipino na nasa Calgary sa Canada.
Sabi ay tatlong linggo ang shooting ng ‘Hello, Love, Again’ sa Calgary, kaya makaka-bonding nang husto ng mga fans doon sina Kathryn at Alden.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
UN pinaghahanda ang mundo sa El Niño, bagong heat records
NAGBABALA ang United Nations (UN) tungkol sa lumalaking posibilidad na magkaroon ng bagong heat records dahil sa weather phenomenon na El Niño na mararanasan sa mga susunod na buwan. Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng World Meteorological Organization ng UN ang 60% na posibilidad na ang El Niño ay mag-develop sa katapusan […]
-
Gonzaga sa PSA awards
Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya. Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kawanggawa, ilan sa kanila pagkakalooban ng ‘Special Recognition’ sa virtual San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa […]
-
Biado naghahanda na sa pagsabak sa SEA Games
Tiniyak ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang pagsali nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam. Matapos kasi ang panalo nito sa US Open Championship noong Setyembre 18 ay lumakas ang kumpiyansa nito para sa pagsali sa SEA Games sa 2022. Bukod pa sa SEA Games ay isa ring pinaghahandaan nito […]