• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbanta na iti-trace at posibleng kasuhan- MON, binuweltahan ang isang content creator dahil sa mapanirang ‘joke’ post

MARAMI ngang nagulat sa pinost ng award-winning actor na si Mon Confiado sa kanyang Facebook account noong Biyernes, August 9.

 

 

 

 

Hindi kasi niya nagustuhan ang mapanirang post ng isang content creator para magkaroon ng maraming views.

 

 

 

 

Nitong Huwebes, August 8, nag-post sa Facebook ang isang “Ileiad” tungkol sa pagkikita raw nila ni Mon sa isang grocery store sa Marikina City.

 

 

 

Ayon sa Facebook post ng nasabing content creator, magpagpa-picture siya sa kilalang aktor ngunit tinanggihan daw siya nito.

 

 

 

Ang hindi lang ‘yun dahil dinuro-duro pa raw siya ng aktor.

 

 

 

Kaya sa FB post ni Mon, sinimulan niya ito ng, “Ayoko na sana patulan itong certain Ileiad na ito pero tama pa ba ang ginagawa ng mga content creator na ito?

 

 

 

“Gumawa ng story using my name & my photo na meet daw n’ya ako sa grocery at magpapa-picture daw s’ya pero dinuro-duro ko daw s’ya sa mukha at nakita n’ya na hindi ko binayaran ang 15 Milky Way Choco Bars na kinuha ko at pinagsisigawan ko daw ang cashier ng grocery.”

 

 

 

Dagdag pa niya, “pinapalabas pa nito na magnanakaw ako nu’ng sinita ko. Joke daw ito at ito ay “Copypasta” at biglang nilagyan ng “disclaimer” ang post nya pero huli na.

 

 

 

“Pero hindi pa din inaalis ang post nya. Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao? Bakit ka magjo-joke sa’kin? Close ba tayo? Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao. Tapos sasabihin Joke.”

 

 

 

At dahil sa viral post ng content creator, maraming nag-react lalo na ang mga kaibigang ng two-time Best Supporting Actor ng The EDDYS.

 

 

 

Pagpapatuloy niya, “ang daming nag-message sa akin at tinatanong kung totoo ba ito? Of course, Sabi ko hindi yan totoo. Never happened. At hindi ako ganung tao. At may pagka mayabang pa itong Ileiad na ito… nu’ng sinabi ko idedemanda ko s’ya dahil ayaw pa n’ya tanggalin ang post nya. Threat daw ba ito? Grabe itong taong ito!”

 

 

 

Pinost din ni Mon na palitan ng nila sa messenger, na humihingi ng apology.

 

 

 

Ayon kay Iliead, “My apologies. It’s not my intention to tarnish your image in anyway. Like what they said in the comments, it’s a joke although I do agree with you that not everyone will understand it.”

 

 

 

Sinagot ito ni Mon ng, “Joke?? At may expense?? Bakit mo ako sisirain at idadamay sa joke mo? Bakit hindi mo i-joke ang pamilya mo? Bakit ako? Ano ang nakakatawa sa joke mo? Sinira mo name ko? Now meron ka na disclaimer?

 

 

 

“And look how bastos you are! Nakita mo na ang effect ng ginawa mo at naka-offend ka ng tao! Pero hindi mo pa rin inaalis ang post mo! Do you even realize what kind of person you are and what attitude you have? Then you will say it’s a joke! Kahit makasira ka ng tao.

 

 

 

“Anyway, wait mo na lang legal actions. Madali ka lang i-trace I mean it. And this is not a JOKE!”

 

 

 

Matapang naman sinagot ito ni Ileiad ng, “Trace? Is this a threat?”

 

 

 

Kalat na nga ang screen shot ni Mon ang buong sinulat ng content creator at ngayon ay mukhang deleted ang Facebook page dahil hindi na ito available.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • DSWD-4A ‘di nagkulang sa ayuda sa Noveleta – Tulfo

    WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan.     Kasabay nito, pinababalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at […]

  • ‘Superman: Legacy’ Writer-Director James Gunn Shares Update On New Superman Costume

    AS Superman: Legacy is less than a year away from starting production, James Gunn teases new details about the Superman costume.     A new era is coming from Warner Bros. Discovery when it comes to adapting DC characters from the pages of comics into the world of live-action. One of the projects in the […]

  • Higit 100 shooters, nakiisa sa AM/FM Invitational Shootfest

    MAHIGIT 100 shooters mula sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas Valenzuela) areas ang sumali sa dalawang araw na 1st AM/FM (Along Malapitan For Mayor) invitational shootfest na ginanap sa Caloocan City Police Station Firing Range.   Pinangunahan ni Caloocan 1st District Congressman Dale “Along” Malapitan ang pagbubukas ng seremonya ng shootfest sa pamamagitan ng pagtama ng […]