• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD-4A ‘di nagkulang sa ayuda sa Noveleta – Tulfo

WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan.

 

 

Kasabay nito, pinababalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez ngayong araw matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”.

 

 

Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kwestiyun sa pagbibigay ng food packs sa 500 katao na pumila doon noong araw na ‘yun dahil lahat naman po ay nabigyan ng pagkain”.

 

 

“Ang nirereklamo ni Mayor Chua ay tila pinahirapan daw ng DSWD personnel ang mga bibigyan ng cash assistance on that day dahil kung anu-anong dokumento raw ang hinihingi ng mga tauhan namin”, ayon kay Sec. Tulfo.

 

 

“Pero ang policy na namin ngayon ay kapag may kalamidad, kung walang ID, dapat nasa listahan ng LGU (local government unit) ‘yung beneficiary o na-endorsed ng barangay sa amin”,  paliwanag ni Tulfo.

 

 

Ayon sa kalihim, sinunod naman ng mga tauhan nila ang procedure na ito.

 

 

Ang problema aniya doon sa 500 na dala ng LGU, 200 lang ang nasa listahan nila habang ang 300 ay hindi naman kilala ng mga barangay officials na naroon sa payout site.

 

 

“Kailangan po na may ma-i-present naman kami sa Commission on Audit (COA) kahit papaano kapag kami ay natanong kung saan o kanino namin ibinibigay ‘yung mga cash ayuda po namin”, ani Tulfo.

 

 

Hulyo nitong taon nang alisin ni Tulfo ang mga indigency at residency certificate, barangay ID at kung anu-ano pang dokumento para makahingi ng ayuda sa DSWD sa oras ng kalamidad.

 

 

“I’m sure, Mayor Chua knows that and he understands all these COA rules. Napaliwanagan na po namin si Mayor noong pang Biyernes at okay na po ang lahat ng panig,” pahabol ni Tulfo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

    MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.     Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.     Sinabi […]

  • WHO idineklarang ‘pandemic’ ang COVID-19

    SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit.   Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level.   Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi rin […]

  • Nakitang suot na ang engagement ring: BEA, balitang nakipagbalikan na kay DOMINIC

    NAGKAROON nga kaya ng balikan at muli nang isinuot ni Bea Alonzo once ang engagement ring nila ni Dominic Roque?     Iyan ang tanong ng netizens nang mapansin ang suot na singsing ni Bea sa mga larawan na naka-post sa Instagram.     Ang post ay isang video slideshow na makikita ang mga larawan […]