P10-K special risk allowance para sa private healthcare workers, pasok na sa Bayanihan 2
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
Pasok na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang tax-free P10,000 special risk allowance sa mga private health workers.
Ito ay matapos na magkasundo ang mga miyembro ng bicameral conference committee na pagtibayin ang naturang probisyon na nakapaloob sa bersyon ng Kamara ng Bayanihan 2.
Kabuuang P10.5 billion ang inilalaang pondo para sa iba’t ibang compensations sa mga medical frontliners, kabilang na ang special risk allowance hindi lamang sa mga public healthcare workers (HCWs) kundi maging sa mga private HCWs na gumagamot sa mga COVID-19 patients.
Mababatid na sa Bayanihan to Heal as One Act, na napaso noon pang Hunyo, tanging ang mga public HCWs lamang ang nabibigyan ng benepisyo at hindi iyong mga nagtatrabaho sa mga pribadong ospital.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katumbas na halaga ng pera ang sakripisyo at serbisyo ng mga health workers lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.
Umaasa ang lider ng Kamara na makakatulong ang subsidiya na nakatakdang ibigay ng pamahalaan para mabawasan man lang ang inisiip ng mga HCWs sa linya ng kanilang trabaho.
Bukod sa risk allowance, pinagtibay din ng bicameral conference committee ang probisyon na magbibigay ng P100,000 na compensation para sa mga public at private HCWs na may severe COVID-19 infection.
-
Kamara umaasa na sasang-ayon si Pangulong Duterte sa panukala para sa Coconut Trust Fund
Umaasa ang kamara na malalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang magtatatag sa Coconut Levy Trust Fund upang maging batas. Ayon kay Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang mga usapin sa unang panukala sa coconut levy na inayawan ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon, ay natugunan na sa ilalim ng bagong panukala, na inaprubahan […]
-
MGA DATING MIYEMBRO NG NPA, PINASALAMATAN NI LABOR SECRETARY BELLO SA PAGTITIWALA SA PAMAHALAAN
PINAGKALOOBAN ng ayuda ng Department of Labor and Employment ang dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na bayan sa Currimao, Ilocos Norte. Personal na dumalaw si Labor Secretary Silvestre Bello III upang ipakita ang katapatan ng pamahalaan sa paghahatid ng kapayapaan sa bansa lalo na sa hanay ng mga dating […]
-
Belle Mariano makes history as the singer of “Anong Daratnan,” the Filipino rendition of “Beyond” from Moana 2
FILIPINO actress and singer Belle Mariano has been revealed as the voice behind “Anong Daratnan”, the Filipino rendition of “Beyond,” the end-credit single for Walt Disney Animation Studios’ highly anticipated sequel, Moana 2. This marks the first time a Filipino song will be featured in a Disney animated film, creating a monumental milestone for […]