• August 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy athletes nagningning sa Paris opening

HINDI nahadlangan ng ulan ang Olympic spirit ng mahigit 10,000 atleta at opisyales na dumalo sa opening ceremony ng 20­24 Paris Olympics.

 

 

 

 

 

Masaya ang Team Phi­lippines na pumarada sa opening rites na ginanap sa Seine River.

 

 

 

Hindi pa man nagsisi­mula ang parada, kitang-kita ang excitement ng lahat sa kabila ng pagbuhos ng ulan.

 

 

Nakasakay sa bangka ang bawat delegasyon na nagparada sa pamosong River Seine.

 

 

 

Nanguna sa Team Phi­lippines si Olympic silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio na siyang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas.

 

 

Kasama nina Paalam at Petecio sina fencer Samantha Catantan, boxers Hergie Bacyadan at Aira Villegas, swimmers Kayla Sanchez at Jarod Hatch, gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, at sina hurdlers John Cabang Tolentino at Lauren Hoffman.

 

 

 

Bahagi rin ng mga nagparada sina Philippine chef de mission Jonvic Re­mulla, Association of the Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo, Philippine rowing president Patrick Gregorio, at Philippine athletics chief Agapito “Terry” Capistrano.

 

 

 

Kasama ng Pilipinas sa bangka ang delegasyon ng Poland at Puerto Rico.

 

 

 

Hindi na kasama sa parada sina rower Joanie Delgaco at gymnast Carlos Yulo na pormal nang sumabak kahapon sa kani-kanyang events.

 

 

 

Aarangkada ngayong araw sina gymnasts Aleah Finnegan, Emma Mala­buyo at Levi Ruivivar sa women’s artistic gymnastics all-around qualification na gaganapin sa Bercy Arena.

 

 

 

Pare-parehong na­sa Subdivision 3 sina Fin­negan, Malabuyo at Ruivivar.

Other News
  • Pacquiao mamili na: Garcia o Spence sa Hulyo

    KUNG nais umanong bumalik sa ibabaw ng ring ang fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao sa buwan ng Hulyo, kailangan na niyang mamili sa susunod na makakalaban.   Sa kasalukuyan, sina Mikey Garcia at Errol Spence Jr., ang natitira sa naunang listahan ni Pacquiao. Ngunit sino kaya ang mas makatotohanan sa dalawa?   […]

  • Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa

    NAGING  malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics.     Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events.     Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia.     Hindi na […]

  • James Yap maglalaro uli para sa PBA

    Nakatakdang bumalik si James Yap matapos pumirma ng one-conference deal sa Rain or Shine.   Inanunsyo ng koponan ang pagpirma, idinagdag na ang Elasto Painters ay nais ng isang taong deal, ngunit pinili ni Yap na pumirma ng mas maikling deal.  Si Yap ay isa ring concurrent councilor ng San Juan City.   Sa kasunduan, […]