• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao mamili na: Garcia o Spence sa Hulyo

KUNG nais umanong bumalik sa ibabaw ng ring ang fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao sa buwan ng Hulyo, kailangan na niyang mamili sa susunod na makakalaban.

 

Sa kasalukuyan, sina Mikey Garcia at Errol Spence Jr., ang natitira sa naunang listahan ni Pacquiao.
Ngunit sino kaya ang mas makatotohanan sa dalawa?

 

Simple lamang daw ang sagot dito, si Mikey Garcia, ito ay sa dahilang hindi pa maaaring lumaban si Spence Jr., bunsod na nagpapagaling pa ito mula sa solo-car accident noong Oktubre.

 

Ibig sabihin lamang nito ay si Garcia raw ang natitirang posibleng kalabanin ng nag-iisang eight-division world champion ng boxing.

 

Kung sakaling matuloy ay nais namang ganapin ito ng promoter ni Garcia na si Eddie Hearn sa Saudi Arabia.
Naging matagumpay ang huling boxing event na ginanap kung saan nagharap sina heavyweights Anthony Joshua at Andy Ruiz sa ikalawang pagkakataon.

 

Palaisipan pa rin sa marami kung bakit ayaw pa magdesisyon ng kampo ni Pacquiao sapagkat apat na buwan na lamang bago tumuntong ang buwan ng Hulyo.

 

Una nang kinumpirma na plano niyang sumampa muli sa boxing ring.

 

“My plan is to get back into the ring this coming July. Training should start in April, May, June. We have enough time,” aniya sa interview sa ANC nitong Marso 3. (REC)

Other News
  • Ads September 25, 2023

  • Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes

    KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.     Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.     Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]

  • P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal

    MAHIGIT  800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.     Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga […]