• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umento ng government workers matatanggap na

MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.
Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024.
Nilinaw naman ng kalihim na retroactive ang salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno mula Enero ng taong ito, subalit hindi niya matukoy kung magkano ang itataas sa sahod.
Para naman sa susunod na taon, naglaan aniya ang DBM ng P70 bilyon para sa susunod na tranche ng salary adjustment sa mga kawani ng gobyerno kasama na rito ang taas sweldo para sa mga guro.
Bukod sa dagdag sweldo, mayroon ding aasahang P7,000 na cash na medical allowance ang mga kawani ng gobyerno, kung saan nasa P9.6 bilyon ang inilaang pondo para rito.
Iginiit diin ni Pangandaman na mahalagang mabigyan ng atensyon ang kalusugan ng mga kawani ng gobyerno.
Other News
  • ‘Di pa hinog comment vs Sotto, pinalagan

    HINDI nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.   Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media. @mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? […]

  • Teacher solon nanawagan kay Pangulong Marcos muling buksan ang peace talks sa CPP-NPA-NDF

    Nananawagan ngayon si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party List Representative France Castro kay Pangulong Bongbong Marcos na muling buksan ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines- New Peoples Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para sa totoong pagkakaisa ng bansa.     Ang panawagan ni Castro ay kasabay ng pagdiriwang ng […]

  • Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

    Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.     Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]