• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’
“Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana ay nagtatanghal ng ating kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
“Subalit ang Buwan ng Wikang Pambansa ay hindi lamang isang paalala; ito ay isa ring paanyaya na patuloy nating mahalin at pagyamanin ang ating mga wika. Hitik ang ating panitikan ng mga obrang tiyak na magpapalalim ng ating pag-ibig sa bayan at makapanghihikayat sa bagong henerasyon na tangkilikin din ang sariling atin,” aniya pa rin.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga Filipino na tanggapin ang ganitong kamulatan sa puso at isip para pangalagaan ang ang ‘greater collaboration’ sa hanay ng mga ito para sa progresibo, malaya at pinag-isang bansa.
Habang dinadakila ng bansa ang ‘month-long celebration’ na may temang “Filipino: Wikang Magpapalaya” sinabi ng Pangulo na ang Presidential Proclamation No. 1041 ipinalabas noong 1997, “is a cornerstone in the strengthening of our unity and sense of self and the reason why we celebrate these qualities.”
“Ilan sa mga nabanggit ay ang pakinabang ng pagkakaroon ng wikang panlahat, ang malaking ambag nito sa pagkamit ng kasarinlan ng ating bansa, at ang kapangyarihan nito na buksan ang ating mga mata at isipan sa kahalagahan, karanasan, at kakayahan ng bawat isa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation No. 1041 noong Hulyo 15, 1997, dahilan para ang buwan ng Agosto ay “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month.  (Daris Jose)
Other News
  • “żużel Zakłady: Najlepszy Bukmacher I Skuteczne Porad

    “żużel Zakłady: Najlepszy Bukmacher I Skuteczne Porady Legalne Zakłady Bukmacherskie Mhh Żużel Content Żużel W Polsce Porady Dla Typerów Żużla Jak Obstawiać Żużel – Three Or More Kluczowe Porady Typy Na Piątkowy Żużel! 31 05 2024 Pge Ekstraliga Bukmacherzy Bez Ryzyka W Fortunie Żużel Obstawianie – Inne Zawody Indywidualne Żużel Obstawianie Zakłady Bukmacherskie Mhh Żużel […]

  • Barbie, tanggap na tanggap na bagong girlfriend ni Diego

    PABOR at kinikilig si Teresa Loyzaga sa bagong pag-ibig ng kanyang anak na si Diego Loyzaga.     Nagpakita ng kanyang suporta si Teresa sa pag-comment sa post ni Diego kunsaan kasama nito ang bagong girlfriend na si Barbie Imperial.     “Happy looks so good on both of you! Hija @msbarbieimperial and my son […]

  • Sports facilities ng PSC, ikinandado; ilang staff nagpositibo sa coronavirus

    Isinara simula ngayong araw (Agosto 12) ang dalawang pangunahing sports facilities ng bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito, ayon sa ulat.   Base sa  inilabas na memorandum ng Philippine Sports Commission (PSC), pansamantala muna nilang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City upang magsagawa ng […]