Sports facilities ng PSC, ikinandado; ilang staff nagpositibo sa coronavirus
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Isinara simula ngayong araw (Agosto 12) ang dalawang pangunahing sports facilities ng bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito, ayon sa ulat.
Base sa inilabas na memorandum ng Philippine Sports Commission (PSC), pansamantala muna nilang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City upang magsagawa ng disinfections.
Ginawa ang pagpapasara bilang bahagi ng health protocols upang maiwasan ang mas malalang pagkalat ng COVID-19 virus sa mga pasilidad, ayon kay PSC Chairman William Ramirez.
Wala namang binanggit si Ramirez kung hanggang kailan isasara ang 2 nasabing pasilidad.
Ginagamit ng PSC ang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila na administrative office at tirahan ng mga national athlete habang sa PHILSPORTS Complex naman nananahan ang opisina ng PSC, Philippine Olympic Committee at ilang national sports associations.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 6) Story by Geraldine Monzon
Sakto lang ang pagkakahila ni Cecilia kay Bernard palayo sa kotse nang sumabog ito. Parang nanlambot ang mga tuhod ng dalaga. Napasalampak siya sa sementadong kalsada. Tinitigan niya ang nasusunog na kotse. Kung nasaan ang driver ng truck ay hindi niya alam. Makalipas lang ang ilang saglit ay may dumaang tricycle. Pinara niya iyon para […]
-
Unang COVID-19 Lambda variant case sa ‘Pinas buntis, Western Visayas ‘local infection’ — DOH
Nagdadalang-tao ang unang kaso ng “Lambda variant” ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na maaaaring sa loob na raw ng bansa naipasa sabi ng Department of Health (DOH). Linggo lang nang kumpirmahin ng DOH na isang 35-anyos na babae ang nadali ng Lambda variant, na unang namataan sa Peru. Sinasabing wala siyang sintomas […]
-
Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City. Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]