Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.
“Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games last year can be a feasible undertaking for the Philippines,” pahayag ng opisyal sa panayam kamakailan ng pahayagang ito.
Tiwala siya sa mataas na kakayanan ng local organizers na mamahala ng mga paligsahan hindi lang ng Olympic Council of Asia (OCA), Southeast Asian Games Federation Council (SEAGFC)kundi maging ng IOC.
Aniya, mas magiging mahusay kung masasanay sa mga susunod na mga pagtataguyod pa ang mga Pinoy ng ilang mga okasyon o pagtitipon.
Aminado man na hindi naging perpekto ang bansa sa 11-nation biennial sportsfest, mas madaling matutunan ng mga nakabahagi sa hosting ang susunod na gagampanan pa sa mga posibleng malalaking torneo na aakuin aniya ng mga Pinoy.
“It’s very doable,” panapos na namutawi sa 2002 Busan Asian Games equestrian gold medallst na si Cojuangco-Jaworski sa asam na maidaos sa susunod na ilang taon dito ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), Asian Beach Games (ABG) at iba pa. (REC)
-
40 na bagong sasakyan ng PCSO, binasbasan sa Maynila
Binasbasan ng isang pari ang 40 pirasong bagong yunit ng mga sasakyan na ibibigay sa iba’t ibang mga (LGU) mula sa tanggapan ng PCSO sa San Marcelino sa Maynila sa pagsisikap na mapagbuti ang agarang pagtugon ng mga serbisyong pang-emergency sa publiko. Nagkakahalaga ng P1.5 milyong piso bawat isa, idinagdag ni PCSO Chairman Royina […]
-
NCR ‘high risk’ na sa COVID-19 Omicron variant
Nasa high risk classification na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng reproduction number at positivity rate sa rehiyon. Kasabay nito, tumaas din ang hospital bed occupancy sa 41% kumpara noong nakaraang linggo. Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa 4.05 ang […]
-
Bakbakan sa Speakership sa Kongreso: tapos na ang boksing-Sec. Roque
TAPOS na ang boksing! Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa usapin ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kaya kaagad na nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang hinggil sa bagong lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco. Sinabi ni Presidential spokes- person […]