• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling pinangalan sa kanyang Mama Bob… ANGELINE, isinilang na ang ikalawang anak na si AZENA SYLVIA

ISANG bouncing baby girl ang iniluwal ng Kapamilya actress/singer na si Angeline Quinto kahapon, Agosto 14, 2024, alas otso diyes ng umaga sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

 

 

 

Pinangalanan ang baby girl na Azena Sylvia.

 

 

 

Tulad ng unang anak nina Angeline at mister niyang si Nonrev Daquina na si Sylvio na isinilang naman noong April 2022, tribute muli kay Mama Bob o si Mama Sylvia Quinto, ang kinalakhang ina ni Angeline, ang pangalan ng bago nilang anak.

 

 

 

Pumanaw na si Mama Bob noong November 2020.

 

 

 

Unang inanunsiyo ni Angeline na siya ay nagdadalang-tao noong May 2024 ilang araw matapos ang kanilang kasal sa Quiapo Chruch noong April, 2024.

 

 

 

***

 

 

BATA, guwapo, hunky at bini-build up bilang isang sexy heartthrob, tila konserbatibo ang pangalan ng baguhang si Pedro Red, pero wala naman raw siyang plano na palitan iyon na siya rin niyang tunay na pangalan.

 

 

“Mostly yung mga fans, yung mga followers, they know me as Pedro, so mahirap naman po siguro na palitan natin yun,” umpisang lahad sa amin ni Pedro na nakausap namin sa dance rehearsal niya para sa upcoming film na ‘Wild Boys’.

 

 

Nagsimula si Pedro sa showbiz nang madiskbre siya sa isang mall ng kanyang manager na si Harley Licup Manalili.

 

 

Kuwento pa ni Pedro, “Tapos, in-invite niya akong mag-sali ng pageant. “Tapos, way back 2015, nag-try na rin po ako mag-talent sa different networks. Like ang role, varsity player, ganyan-ganyan.

 

 

“So, that time, hindi nadi-discover, kumbaga parang dumating sa punto na maggi-give up na ako, kasi walang nakukuhang malalaking role.

 

 

“So, nagpahinga po ako noon, umuwi ako ng probinsiya.”

 

 

Taga-Nueva Ecija si Pedro, na naranasan rin ngang sumali ng male pageant.

 

 

“First and last, Misters of Pilipinas, national pageant po siya.”

 

 

Taong 2022 ni-represent ni Pedro sa naturang male pageant ang Nueva Ecija. Kung saan ang nanalo ay ang kandidato ng Ormoc City na si James Vidal samantalang tinanghal namang second runner-up si Pedro.

 

 

Una at huling pagsali iyon ni Pedro sa isang pageant.

 

 

Aniya, “Gusto ko po kasi parang mag-level-up, kumbaga na-try ko na yung pageantry…”

 

 

Bago pa man siya sumali sa Misters of Filipinas ay nagta-talent na si Pedro sa mga TV shows noong 2015.

 

 

“Meron po akong kaibigan na nag-ta-talent noon.

 

 

“If I’m not mistaken, OMG? Oh My G, sa ABS, I was a varsity player.

 

 

“Sa Forevermore, parang classmate ko sila Liza. So, mga ganoon lang po yung characters ko.”

 

 

Simula 2016 ay nagpokus sa kayang pag-aaral si Pedro hanggang sa pagsali niya sa pageant noong 2022.

 

 

Pero matapos ang kanyang pageantry journey ay sa commercials, fashion shows at endorsements siya nalinya.

 

 

Pinakaunang pelikula ni Pedro ang ‘Wild Boys’ kung saan ang aktor na si Carlos Morales ang direktor na siya ring nakakita kay Pedro at nagsali sa nabanggit na pelikula ng Bright Idea Production.
Isang macho dancer ang role ni Pedro sa Wild Boys. Bida rito ang magkapatid na Vin at Aljur Abrenica, Rash Flores, Kristof Garcia, Nico Locco at ang komedyanteng si Inday Garutay.
Wala raw problema kay Pedro na sumayaw na naka-trunks lang sa harapan ng kamera.

 

 

“Kung ano po, kung kinakailangan, sige po.”

 

 

Paano kung kunin siya ng Vivamax?

 

 

“To be honest, meron na nga po kaming usapan ni Tito sa Vivamax. Sabi ko, pinag-iisipan ko pa po. Parang ayokong mag-jump agad. Gusto ko munang matapos ‘to. Tapos pag-usapan natin after this.”

 

 

Graduate ng Culinary Arts si Pedro sa MICA o Magsaysay Institute of Culinary Arts sa United Nations at sa ngayon ay sa Imus, Cavite nakatira si Pedro.

 

 

Idolo ni Pedro si Ruru Madrid na nakatrabaho na niya noon sa ‘The Half Sisters’ nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

 

 

“Nagkaroon na kami ng scene before doon, I was a varsity player din dun.”

 

 

“Parang nakapag-throw lines po kami,” kuwento pa ni Pedro.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES

    ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City.   Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na […]

  • Nag-celebrate pa ng 2nd anniversary last May: ARIANA GRANDE, hiwalay na sa asawa na si DALTON GOMEZ

    NAIKUWENTO ni Sef Cadayona na pumasok na sa isip niya nitong mga nagdaang mga buwan na mag-quit na siya sa showbiz.       Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi na siya sumama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang.”       “Actually hindi naman ako nawala, nandito pa rin ako. Kung […]

  • 34 heat-related illness, 6 patay naitala ng DOH

    NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar.     Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang.   […]