• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Renato Panganiban Jr., alas-8:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa suspek Tulay 1.

 

Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakuha sa kanya ang aabot sa 3.5 gramo ng shabu na nasa P23,800 ang halaga at buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • Last full cabinet meeting, isasagawa ni Pangulong Duterte – Palasyo

    ISASAGAWA na ngayon ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto.     Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting.     Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi.   […]

  • Mataas na palitan ng piso vs dolyar, ramdam na ng mga OFW

    NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.     Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]

  • Seniors, edad 21 pababa puwedeng magparehistro – Comelec

    Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaari namang magtungo sa kanilang mga tanggapan at magparehistro ang mga senior citizen at mga nasa edad 21-anyos pababa makaraang makapagtala ng mababang bilang ng nagpaparehistro ang ahensya nang buksan ito nitong Setyembre 1.   Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi naman umano ganap na ipinagbabawal […]