• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seniors, edad 21 pababa puwedeng magparehistro – Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaari namang magtungo sa kanilang mga tanggapan at magparehistro ang mga senior citizen at mga nasa edad 21-anyos pababa makaraang makapagtala ng mababang bilang ng nagpaparehistro ang ahensya nang buksan ito nitong Setyembre 1.

 

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi naman umano ganap na ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force for Infectious and Emer­ging Diseases (IATF) ang paglabas ng mga senior at 21-anyos pababa kung saan limitado lamang dapat sa mga importanteng gawain tulad ng pagpaparehistro.

 

Ito rin ay makaraan ang ulat na tinatanggihan umano ng ilang tanggapan ng Comelec ang mga senior na makapagparehistro.

 

Nakapagtala lamang kasi ang Comelec-NCR ng 5,028 transaksyon para sa pagpaparehistro ng mga bagong botante at mga nais maibalik ang kanilang pangalan sa voter’s list.

 

Sinabi ni Jimenez na bagama’t napakaliit ng naturang bilang, hindi naman umano ito nakapagtataka dahil marami ang ayaw lumabas bunsod ng takot na mahawahan ng virus.

 

Ngunit iginiit ng Comelec na mas ligtas ngayon na magparehistro lalo na kung magsasagawa muna ng online appointment kaysa sa mga buwan na malapit nang matapos ito kung saan nagdadagsaan ang mga Pilipino na nais humabol sa deadline. (ARA ROMERO)

Other News
  • Pacman, hahabulin ng gobyerno sa P2.2 bilyong hindi binayarang tax

    HAHABULIN ng pamahalaan ang P2.2 bilyon pa ring utang sa buwis ng boxing icon at Senador Manny Pacquiao.   Sa PDP-Laban meeting ay nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aalamin niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano na ang estado ng utang sa buwis ni Pacquiao.   “Mayroon akong.. he has a tax […]

  • “BLACK ADAM” SOARS WITH A BIG HEART, DARK HUMOR, BAD-ASS ACTION

    IN “Black Adam,” global icon Dwayne Johnson stars in the title role as the DC universe’s fan-favorite antihero, bringing his compelling origin story to the big screen for the first time.     [Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o]     Johnson, who also produced the film via his Seven Bucks banner, has tackled roles […]

  • Silip sa dating PBA coach

    NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno?     Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002.     Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association […]