• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Susunod na Chief PNP kapalit ni Gen Archie Gamboa, iaanunsiyo isang linggo bago ang pagreretiro nito

NAKATAKDANG i-anunsyo ng Malakanyang isang linggo bago ang araw ng pagreretiro ni PNP Chief Director General Archie Gamboa kung sino ang susunod na kapalit nito.

Si Gamboa ay nakatakdang magretiro sa Setyembre 2 kasunod ng pagsapit ng ika- 56 na taong kaarawan nito na siyang retirement age sa mga nasa police at military service.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na gayung katagal na panahon ang hihintayin para kanilang ianunsiyo ang papalit kay Gamboa sa Pambansang Pulisya.

“Ia-announce ko na lang po siguro kung sino ang magiging next PNP Chief. Hindi naman po inaantay iyong birthday ng retiring PNP Chief bago mag-anunsiyo ng kapalit. Mayroon po iyan mga one-week interval, so malapit na po nating i-announce iyan,” aniya pa rin.

Si Gamboa ay produkto ng PMA Class 1986 at naging ika- 21 hepe ng National Police.

Enero ng taong ito nang isinapubliko ni Pangulong Duterte na kanyang itinatalaga si Gamboa bilang Chief PNP matapos na magsilbing Officer in Charge ng tatlong buwan.(Daris Jose)

Other News
  • First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS

    SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.     Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang […]

  • Happy 38th Anniversary People’s Balita

  • 1,114 iskul sasalang sa dry run ng face-to-face classes

    Nasa 1,114 paaralan ang inirekomenda ng Department of Education (DepEd) para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.   Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan pero sinabi ni Briones na kailangan pang suriin kung nagpapatupad […]