• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Usap-usapan pa rin ang ginawa niya at sagot sa bashers: HEART, ginaya ng followers sa pagsusuot ng expensive necklace sa kanilang pets

USAP-USAPAN at nag-viral nga ang Instagram story ni Heart Evangelista na kung saan ipinasuot niya sa alagang aso na si Panda Ongpauco Escudero ang Serpenti Viper necklace in 18k white gold, na set with full pavé diamonds na ang estimated cost daw nito ay P11 million.

 

 

 

 

Same necklace ito na suot ni Pia Wurtzbach sa kanyang post bilang newest ambassador ng Bulgari. Kaya marami ang nag-react na ang alagang aso ni Heart ang nagsusuot ng kanyang ini-endorse.

 

 

 

 

At ito pa nag-trending ang pagsusuot ng expensive necklace sa mga alagang aso, pati na rin pusa, ng followers ni Heart, na kung saan maraming nag-tag sa kanya sa Instagram.

 

 

 

Nakakaloka naman kasing makita na bini-baby ng marami ang mga alaga nilang aso at pusa na namamasyal na naka-stroller na aakalain mo talaga baby pero pagtingin ay mga alaga pala. And infairness, may ini-endorse si Heart na pet stroller, na hindi basta-basta lang ang presyo.

 

 

 

Naging palaban nga ang sagot ni Heart tungkol sa controversial necklace, nang mag-viral ito dahil sa reaction ng netizens.

 

 

 

“I own the necklace, you know. I can do whatever I want and pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, ‘di siya loan, she can do whatever she wants,” pahayag niya sa kanyang TikTok Live.

 

 

 

Matatandaang nagsimula ang hidwaan sa pagitan nina Heart at Pia nang kunin ng beauty queen ang serbisyo ng dating glam team ng asawa ni Senate President Chiz Escudero.

 

 

 

Doon nagsimula na palagi nang pinagtatapat ang dalawa lalo nga’t pareho silang active na active sa fashion world at parehong nag-i-endorse ng iba’t ibang luxury brands.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Nadal nakuha ang pang-14th French Open title

    NAKUHA  ni Spanish tennis star Rafael Nadal sa French Open.     Ito ay matapos na talunin si Casper Ruud sa score na 6-3, 6-3, 6-0 sa loob ng dalawang oras at 18 minuto.     Ang panalo ang siyang pang-14th French Open at 22 Grand Slam title ng 36-anyos na si Nadal.     […]

  • Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY

    HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas.     Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya.     Pareho sila […]

  • Sa ikalawang taon ng ‘Puregold CinePanalo’: Pitong full-length films na mapipili, tatanggap ng 3M grant

    LALO pang tinotodo ng supermarket chain na Puregold adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog ng pinakamalalaking grant para sa produksyon ng mga full-length na pelikula sa Pilipinas.         Para sa paparating na 2025 Puregold CinePanalo, tumataginting na P3,000,000 ang film production grant na ibibigay sa pitong kapita-pitagang […]