• August 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo na wanted sa rape, timbog sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang 67-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

 

 

Sa kanyang report may Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Porperyo.

 

 

 

Inatasan ni Col. Doles ang Warrant of Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado.

 

 

 

Kasama ang mga tauhan ng Amparo Police Sub-Station (SS15), agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:00 ng gabi sa Catmon St., Amparo Subdivision, Barangay 179.

 

 

 

Ayon kay Col. Doles, binitbit ng kanyang tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodolfo P. Azucena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City noong January 10, 2024, para sa kasong Rape (RPC Art. 266-A).

 

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Other News
  • Caballero swak sa 2021 World Indoor Rowing

    PINAGWAGIAN ni Melcah Jen Caballero ang kapapalaot na Asian Continental Qualifier women’s 500-meter race sa 1 minute at 40.6 seconds clocking magmartsa sa 2021 World Rowing Indoor Championships sa Pebrero 27.     May halos isang buong bangka ang inilamang ng 23-anyos na Bikolanang naninirahan sa Camarines Sur laban sa pumangalawa’t pumangatlo sa kanyang sina […]

  • Karagdagang supply ng COVID vaccines para sa NCR, mid-July pa darating – Mayor Olivarez

    Sa ikalawa at ikatlong linggo pa ng Hulyo posibleng makarating sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang kanilang karagdagang supply ng COVID-19 (Coronavirus Disease) vaccines.     Ayon ito kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng Metro Manila Council (MMC), alinsunod sa pahayag ng Department of Health (DOH). […]

  • Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

    PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.     Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.     Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]