• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pogi’, 1 pa nadakma sa Malabon drug bust

KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P80K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na sina alyas Jelan, 22 at alyas Pogi, 47, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos ang natanggap impormasyon hinggil sa umano’y drug activities ng mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng droga sa mga suspek at nang tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng isang plastic ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:00 madaling araw sa kanto ng General Luna at Rodriguez Sts., Brgy. Bayan-bayanan.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P81,600.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • Gilas optimistiko sa Olympic qualifiers

    Sa kabila ng kaliwa’t kanang injuries sa lineup, nananatiling mataas ang moral ng Gilas Pilipinas na haharap sa mga bigating tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na pormal nang lalarga nga­yong araw sa Belgrade, Serbia.     Posibleng hindi makalaro si Dwight Ramos na may iniindang groin injury habang napasama pa sa injury list ng […]

  • Utos ni PBBM sa PNP, tamaan ang mga “malalaking isda” sa kampanya laban sa ilegal na droga

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na ituon ang pansin sa sindikato at high-profile illegal drugs personalities sa pagsasagawa ng agresibong anti-illegal drugs operations.     Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ito ang gabay na isinasagawa nila ngayon at ipagpapatuloy na ipatupad sa mga araw patungo […]

  • Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval

    MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas.   Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]