• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AIMAG kanselado

INIHAYAG ng Olympic Council of Asia (OCA) ang kanselasyon ng 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na idaraos sana sa Nobyembre sa Thailand.

 

 

Dismayado si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino lalo pa’t naghahanda ang Pinoy athletes sa pagsabak nito sa AIMAG.

 

 

Ngunit kailangan nang mag-move in at isentro ang atensiyon sa ibang torneong lalahukan ng Team Philippines.

 

 

“It’s frustrating, but we’ll have to move on,” ani Tolentino.

 

 

Magpapadala sana ang Pilipinas ng 421 atleta na sasabak sa 37 sports. Su­balit hindi na ito matutuloy dahil sa kakulangan sa sponsors ng ng organi­zing committee ng Thailand.

“We were hoping to improve on the two gold medals Meggie [Ochoa] and Annie [Ramirez] won in jiu-jitsu as well as the 14 silver and 14 bronze medals clinched in the 2017 edition in Ashgabat [Turkmenistan],” ani Tolentino.

 

 

Dahil sa kanselasyon, ang susunod na edisyon ng AIMAG ay idaraos na sa Riyadh, Saudi Arabia base sa inilabas na sulat ng OCA.

 

 

Sesentro na ang atensiyon ng Team Philippines sa paghahanda nito sa 2025 Southeast Asian Games na idaraos din sa Bangkok, Thailand.

 

 

Nais ng POC na masundan ang impresibong kampanya ng Team Philippines sa Paris Olympics.

Other News
  • PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG

    HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag  ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]

  • Ads November 28, 2023

  • Ancajas alpas sa puntos vs Mexican, hari pa rin

    BINALEWALA ni Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas ang may 16 na buwang pagkakaburo dulot ng Covid-19 para tatlong beses itumba si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa eight round at hablutin ang unanimous decision upang mapanatili pa rin ang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight Linggo sa Mohegan Sun Casino and Resort sa Uncasville, Connecticut.   […]