• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World number 1 tennis player Jannik Sinner hindi sinuspendi kahit na 2 beses nagpositibo sa paggamit ng iligal substance

IPINALIWANAG ng International Tennis Integrity Agency (ITIA) kung bakit hindi nila pinatawan ng suspension si world number Jannik Sinner matapos na magpositibo ito sa pinagbabawal na substance.

 

 

 

 

Ayon sa ITIA na hindi nila nakita na nagpabaya ang French tennis star kahit na nagpositibo ito sa Clostebol isang anabolic steroid.

 

 

 

Unang lumabas ang resulta ay noong Marso 10 matapos ang Indian Wells tournament.

 

 

Matapos naman ang walong araw ay nagkulekta muli sila ng samples at lumabas na positibo pero sa mababang level lamang ito ngayon.

 

 

Nakuha umano nito ang pagpositibo sa pamamagitan ng contamination sa gamot ng kaniyang physiotherapist.

 

 

Naggagamot umano ang physio ni Sinner sa pamamagitan gn over the counter spray sa kaniyang balat para sa maliit na sugat.

 

 

Nilinaw din nila na matapos ang paglabas ng test ay pinatawan nila ito ng automatic provisional suspension subalit umapela si Sinner at kanilang napagtanto na nahawa o na-contaminate lamang ito mula sa kaniyang fitness trainer kaya ipinagpatuloy niya ang paglalaro.

 

 

Pagtitiyak ni Sinner na susunod na ito ng mahigpit sa anumang ipinag-uutos ng batas sa tennis community.

 

 

Si Sinner ay nagwagi ng limang titulo ngayong season kung saan noong Enero ay nagkampeon ito sa Australian Open at nitong Hunyo ay umangat ang ranking niya sa number 1.

Other News
  • Pamilya ng dating player na si Pascual nanawagan

    NAGPAPASAKLOLO na naman ang pamilya at ilang nagmamalasakit na kaibigan ni dating Philippine Basketball Association (PBA) player Ronald Pascual dahil sa pagbalik sa masamang gawain.     Pinarating ni Jovy Evaristo ng Mr. CabalenHoops, sa kanyang Facebook account nito lang makalawa ang sentimyento para sa dalawang beses na manlalarong nagkampeon sa unang Asia play-for-pay hoop. […]

  • Ads March 21, 2022

  • NAVOTAS NAGDAGDAG NG SKILLED WORKERS

    MULING nagdagdag ng bagong batch ng skilled workers ang Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 NavoteƱos mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.     Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakumpleto ng Japanese Language at Culture habang 11 nakatapos ng Basic Korean Language at Culture.     May lima ding […]