• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa nakaka-intrigang Facebook post: ISKO, sigurado na ang pagbabalik sa Maynila at kakalabanin si Mayor HONEY

HINDI pa man opisyal na kinukumpirma ni Isko Moreno pero maugong na balita tungkol sa kanyang intensiyong muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila sa halalan sa Mayo 12, 2025.

 

 

Makikita na sa paligid ng lungsod ang mga poster at banner niya lalong lalo na sa Tondo at Baseco ay nagmumulaklak na ang mga nakapaskel na tarpaulin na nagsasabing “Yorme magbabalik na”.

 

 

 

Lalong umingay at tuwang-tuwa ang mga nagmamahal kay Isko at nakaka-sigurado na sila na muling babalikan niyaang posisyong iniwanan nito noong 2022 nang tumakbo siyang Pangulo ng Pilipinas, dahil sa kanyang nakakaintrigang Facebook post.

 

 

Ito ay ang sikat na lyrics ng “Manila,” ang 1976 hit song ng Hotdog.

 

 

“Manila, I keep coming back to Manila… Simply no place like Manila… Manila, I’m coming home!”

 

 

So, ngayon pa lang ay sigurado na si Isko na wala nang makapipigil sa muling pagtakbo na mayor ng Maynila, ang posisyon na hinawakan niya mula Hunyo 30, 2019 hanggang Hunyo 30, 2022.

 

 

Kung sa unang patawag ni Yorme sa baranggayan ay sinamahan siya ni Ali Atienza na sinasabing magiging running mate niya, ngayon ay ang former Star Circle member na si Chi Atienza-Valdepenas ang magiging ka-tandem ni Yorme.

 

 

When in fact, naglalabasan na rin ang mga larawan at posters nilang magkasama sa paligid ng Maynila.

 

 

Si Chi ay anak ni former Mayor Lito Atienza at nakababatang kapatid ng TV host at weather anchor na si Kim Atienza at Ali Atienza.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Chi sa ‘Rise and Shine Pilipinas’, ang morning news program ng PTV4.

 

 

For sure, iiwanan ni Chi ang programa kapag naghain na sila ni Isko ng kanilang mga kandidatura sa Commission on Elections sa Oktubre 2024.

 

 

***

 

 

SIYEMPRE mahigpit na makakalaban nj Isko ay ang incumbent mayor at dating kaalyadong si Mayor Honey Lacuna na naka-tandem naman ni Vice Mayor Yul Servo, na malapit din sa kapwa niya aktor.

 

 

At ang latest ngayon ay nagkakainitan na sa session sa Manila City hall. Ang mga kunsehal nagkampi-kampıhan na. Yung dating magkakasundo ay hati na sa dalawang grupo.

 

 

At dahil out numbered yung maka-Isko kung kaya majority block ngayon yung na kay Mayora Honey.

 

 

Lahat ng kumampi kay Yorme ay tinanggalan daw ng committee budget, huh!

 

 

Bukod pa rin kay Mayor Honey ay makakatapat rin ni Yorme Isko for Manila Mayor sina Naida Angping at si Cong. Sam Versoza!

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Pa-bingo ng Pagcor, paldo ang papremyo

    GRABE!   Sangkatutak ang papremyo ang nakaabang sa ‘P1K for P1M’ PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22 sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel sa Ermita, Maynila.   Kasunod ito nang matagumpay na first phase nitong Enero 25, ito naman ang ikalawang pagkakataon para sa mga bingo player na gustong […]

  • Tansingco, hinikayat na magsumbong sa service caravan

    HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga residente sa Iloilo at kalapit na lugar na isumbong ang mga illegal na dayuhan sa kanilang intelligence team.     Sinabi ito ni Tansingco sa kanilang service caravan sa kanilang Mindanao leg para sa kanilang “Bagong Immigration” caravan.     “We are serious in […]

  • PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa,     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April […]