• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglabag daw sa human rights ang pagpasok ng 2,000 pulis sa compound ng KOJC, “I don’t think so.”- PBBM

 

 

“I DON’T THINK SO.”

 

 

 

ITO ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman Association (MCA) sa Heroes’ Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Agosto 27 nang tanungin kung may nangyaring paglabag sa karapatang pantao nang pumasok ang 2,000 pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

“The reason we did this was so that we can contain the peace. The only way to maintain the peace is to make sure that the area is safe and is secure,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Kinonsidera rin ng Pangulo ang 30-hectare compound kung saan kailangan talaga ng maraming tao. Hindi aniya puwedeng gawin ito ng isang dosenang pulis lamang.

 

 

“Hindi na bale ‘yung lumalaban o nagre-resist, nanghaharang. Di na bale muna ‘yon, para lang ‘yung pag-inspeksyon ng 30 hectares kailangan mo na agad ng maraming tao. So I do not see. I think what they’re talking about, political na ‘yan,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Bukod dito, binigyang diin ng Pangulo na lahat ng pumasok na pulis sa compound ay hindi armado at walang baril kahit isa.

 

 

Hindi rin aniya gumamit ng tear gas ang mga pulis.

 

 

“Wala kaming ginawang ganoon. So anong human rights violation. Marami lang. Kung kokonti, mas marami pang nasaktan na supporters ng KOJC, maraming nasaktan na pulis dahil manlalaban. Kung marami tapos agad ang problema, so that’s what we’ve done,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, hindi aniya niya maintindihan kung bakit dinadamay ni Quiboloy ang mga tauhan nito.

 

 

“Kasi sinasabak niya mga tauhan niya eh wala namang kasalanan mga ‘yan, they just believe, they are looking for an answer, a value system and they think they have found it with Quiboloy, but they did not sign up to be in the frontline of this kind of thing that’s happening now, that they’ll protect him from arrest even when he has case was filed against him not only here in PH but also in the US,” litaniya nito.

 

 

“I suppose I can understand their disagreement with us, even anger, but all the police are doing is enforcing the warrant of arrest against Apollo Quiboloy,” aniya pa rin. (Daris Jose)

 

Other News
  • PBBM, pinuri ang METROBANK OUTSTANDING “BAGONG FILIPINOS”

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon, pinagkapurihan niya ang mga ito dahil sa pagpapakita ng kung ano talaga ang ibig sabihin ng “Bagong Pilipino.”   “You are the new faces of public service—dedicated, selfless, and committed to excellence—the living examples of what it truly means to be […]

  • Kevin Quiambao maglalaro na sa Korean Basketball League

    DESIDIDO si Gilas Player at Dela Salle University star player Kevin Quiambao na ipursige ang kaniyang pangarap na maglaro sa NBA.       Sinabi nito na magtutungo na ito sa Korea para maglaro muna sa Korean Basketball League sa Goyang Sono SkyGunners.   Isinagawa nito ang anunsiyo ng talunin sila ng University of the […]

  • Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso

    Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city.     Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, […]