2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila.
Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus.
“Transmission dynamics for the two new cases are consistent with earlier warnings: close and intimate, skin-to-skin contact,” anang DOH.
Nabatid na ang Mpox case 11 ay isang 37-anyos na lalaki na nakitaan ng mga sintomas ng sakit noong Agosto 20, kabilang na ng rashes sa mukha, braso, hita, thorax, palad at talampakan.
Sa inisyal na imbestigasyon, hindi naman umano siya nagkaroon ng anumang exposure sa sinumang tao na may kahalintulad na sintomas ngunit inaming nagkaroon ng close, intimate at skin-to-skin contact, may 21-araw bago nagsimulang maglabasan ang mga sintomas ng sakit.
Kasalukuyan siyang naka-admit sa isang government hospital simula pa noong Agosto 22, kung saan kinuhaan siya ng skin sample, na siyang sinuri ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Samantala, ang Mpox case 12 naman ay isang 32-anyos na lalaki na ang sintomas ay nagsimulang maglabasan noon pang Agosto 14, kabilang na ang skin lesions sa kanyang groin area at lagnat.
Inamin ng pasyente na nagkaroon ng intimate at skin-to-skin contact sa isang sexual partner.
Una umano siyang nagpakonsulta sa isang outpatient clinic at sinabing bacterial infection lamang ang kanyang sakit ngunit matapos ang ilang araw, nagsimula na rin umano siyang magkaroon ng taghiyawat na parang lesions sa mukha, noo at anit.
Pinayuhan siyang magtungo sa isang DOH hospital kung saan siya kinuhanan ng skin sample noong Agosto 23 at pinayuhang manatili sa kanilang tahanan habang naghihintay pa ng resulta.
Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ang total case count ng Mpox sa bansa ay nasa 12 na simula noong Hulyo 2022.
Ang siyam umano sa mga pasyente ay nakarekober na sa karamdaman noon pang 2023 habang ang tatlong aktibong kaso ay mayroon pa ring mga sintomas at hinihintay pang gumaling.
Tiniyak din naman ng DOH na naimpormahan na nila ang mga local government units (LGUs) kung saan naninirahan ang Mpox cases 11 at 12. Sila umano ang may kapangyarihan at awtoridad upang maghayag ng mas detalyadong impormasyon at response action hinggil dito. (Daris Jose)
-
DBM, handang tugunan ang anumang kinakailangan ng Senado at Kamara para agad na maratipikahan ang 2021 national budget
NAKAHANDA ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa kung ano pa ang mga pupuwedeng nilang maitulong sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso para mapadali ang proseso ng pagpasa ng 2021 national budget. Kinikilala ng dbm ang pagsisikap ng Senado at Kongreso na matulungan ang gobyerno sa pamamagitan Ng pagpasa sa tamang oras […]
-
Natuwa nang malamang nagkabati na sila ni Lotlot: CHRISTOPHER, pinag-iingat si NORA matapos ma-ICU dahil sa pulmonary disease
MASAYA si Kapuso actress Kylie Padilla na laging nagti-trending at nakakakuha ng mataas na rating gabi-gabi ang sports serye niyang Bolera after First Lady sa GMA Primetime, with Rayver Cruz and Jak Roberto. Pero hindi lamang ang successful serye ang nagpapasaya kay Kylie. Nakakatuwa ang pagsi-share niya ng Instagram Stories post niya na […]
-
Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ
TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ). Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget […]