• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P3.8 bilyong pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak

 

 

IKINATUWA ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”.

 

 

 

Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free Wi-Fi for All’ program na agad mag-install ng 13,462 access point sites at palawakin ang digital connectivity ng bansa.

 

 

 

Sinabi ni Tolentino unang makikinabangan sa lahat sa pagpapalawak ng Internet connectivity na ngayo’y isa nang pangangailangan, ay ang mga kababayan nating nasa malalayong lugar.

 

 

 

Ani Tolentino, uunahin ng libreng Wi-Fi program ng gobyerno ang mga geographically isolated at disadvantaged areas.

 

 

 

Idinagdag ng senador na ang libreng Wi-Fi program ng administrasyong Marcos ay magbibigay-daan sa mga mahihirap na ma-access ang mga app tulad ng messenger, viber, o mga libreng tawag upang mapadali ang kanilang buhay at maikonek sila sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan. (Daris Jose)

Other News
  • Teaser ng ‘Lolong’ na pinagbibidahan ni RURU, maraming napahanga dahil parang gawang Disney

    MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita noong Lunes sa 24 Oras!     Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan […]

  • Ads January 23, 2020

  • Hawaiian Tropical Paradise ang tema ng debut: SOFIA, hands-on sa preparations para sa kanyang 18th birthday

    SA April na ang 18th birthday ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang special day na ito.      Hands-on si Sofia sa preparations mula sa isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain.     Isang Hawaiian Tropical Paradise ang tema […]