MVP susuporta sa FIVB World Championship
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
BUHOS ang suporta ni sports patron Manny V. Pangilinan (MVP) upang maging matagumpay ang pagdaraos ng prestihiyosong FIVB Volleyball Men World Championship sa Setyembre 12 hanggang 28 sa susunod na taon.
Inihayag ni Pangilinan ang buong suporta nito sa isang meeting na ginanap sa PLDT office sa Makati City kasama sina Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, MVP Sports Foundation president Al. Panlilio at PLDT Business Transformation Group Head Ricky Vargas.
“Mr. MVP has once again brought the meaning of sports patron to a superlative level. With Mr. MVP’s commitment, the Local Organizing Committee [LOC) will be shifting to a higher gear preparations for the world championship which is a little over a year away,” ani Suzara.
Mas lalong tumataas ang kumpiyansa ng Alas Pilipinas na maganda ang inilalaro sa international tournaments.
Kabilang na rito ang dalawang sunod na bronze-medal finish sa Southeast Asia Men’s V.League na ginanap sa Manila at Indonesia.
“Those bronze medals are already milestones for Philippine men’s volleyball in Southeast Asia. The program is working and we are confident that Alas Pilipinas will make an impact in the world championship,” dagdag ni Suzara.
Sa FIVB MWCH 2025, may 32 matitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magbabakbakan sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Idaraos ang draw sa Setyembre 14 na susundan ng friendly matches sa pagitan ng dalawang Japanese club teams at Alas Pilipinas Men at Women squads sa Setyembre 7 at 8 na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City.
“We are all excited about this historic hosting because Filipino fans will get the opportunity to witness elite volleyball action from 32 teams,” ani Suzara.
Kasama si Pangilinan sa FIVB MWCH LOC Board na co-chaired nina Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, Senator Alan Peter Cayetano at Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Nasa LOC Board din sina Senator Pia Cayetano, Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.
-
Ads September 12, 2023
-
Racasa, aarangkada na ngayong taon
NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng […]
-
Shakur Stevenson, dinomina ang laban kay Oscar Valdez para ma-unify ang super featherweight titles
HAWAK na ngayon ng American Olympian Shakur Stevenson ang The RING, WBO at WBC world super featherweight titles. Kasunod na rin ito ng kanyang panalo sa pamamagitan ng 12-round boxing clinic laban sa undefeated boxer na si Oscar Valdez. Ginanap ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas, USA. […]