Racasa, aarangkada na ngayong taon
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng karangalan ang bansa at muling tumanggap ng parangal mula sa PSA.
Isa sa pakay ni Racasa ang masama sa MILO Junior Athletes of the Year na ipinagkakaloob para sa mga batang atleta.
“Maraming salamat sa PSA mas pagbubutihin po namin ang pag-ensayo para makapagbigay tayo ng karangalan sa bansa,” sambit ni Roberto Racasa, ang ama ni Antonella at isa ring chess player.
Bukod kay Racasa, ang ibang manlalaro ng nasabing sport na pinarangalan sa nasabing event ay sina International Master Daniel Quizon at Grangmaster John Paul Gomez.
Kasama si Quizon, 14, sa MILO Junior Athletes of the Year habang tumanggap ng citation award si Gomez.
Samantala, kinansela karamihan ang mga international tournament ng batang Racasa dahil sa paglaganap na COVID-19 ng China. (REC)
-
Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel
PINAG-IISIPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas. “Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega. Sa ngayon, nasa Alert […]
-
Tokyo Olympics non-medalists may bonus din
Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus. Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists. Katulong ng POC sa […]
-
P400K bulto ng pera, kumpiskado sa pasaherong Pinay sa NAIA
INARESTO ng Bureau of Customs-Port NAIA ang isang pasaherong Pinay na tangkang maglabas sa bansa ng P400,000 na walang kaukulang permiso o otorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Nilabag ng pasahero ang Manual on Cross Border Local Foreign Exchange Transaction sa ilalim ng circular no.922 series of 2016. Hindi naman pinangalanan […]