Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.
Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.
Sinabi ni Go na walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Duterte ang mga corrupt at magnanakaw dahil ang “public office ay public trust”.
Ayon kay Go, inaasahan nilang gagawin ng task force na kinabibilangan ng DOJ, NBI, Ombudsman, COA, Executive Secretary at ang PACC ang malalimang imbestigasyon, audit at lifestyle check gayundin ang pagrerekomenda ng suspension, pag-prosecute at pagsasampa ng kaso hanggang sa dismissal kung kinakailangan.
Binigyang diin ni Go na tulad ng nabanggit ng pangulo, yayariin niya ang mga sangkot sa katiwalian.
Samantala, tiniyak ni Go na hindi matatapos sa paggamot ng korapsyon ang gagawin ng pamahalaan at sa halip ay dapat ding hanapan ito ng bakuna tulad ng isang sakit para maiwasan ang pagkakaroon nito sa mga susunod na panahon. (Daris Jose)
-
Catch the ‘Kilig’ Moments of the New Love Team of Paulo Avelino and Janine Gutierrez in ‘Ngayon Kaya’
FOLLOWING the beloved cinema tradition of onscreen pairings, a new love team is born in the tandem of Paulo Avelino and Janine Gutierrez who are starring in their first film together entitled Ngayon Kaya. In this movie directed by Prime Cruz and written by Jen Chuaunsu (the creative duo behind romantic masterpieces Isa […]
-
Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG). Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, […]
-
Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters
Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City. Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon. Kaya naman […]