• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Takas na wanted na Japanese National, ipapa-deport dahil sa fraud at money laundering

 

NAKATAKDANG ipa-deport ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa fraud at money laundering.

 

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Hiroyuki Kawasaki, 37, ay inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang ito ay papasakay sa Philippine Airlines patungong Singapore.

 

 

Dagdag pa ni Tanssingco na nag-positibo siya sa BI Interpol derogatory heck system habang pinoproseso ng immigration officer kaya ini–refer ito for further inspection.

 

 

Nang i-verify ang identity ng pasahero sa interpol unit kung saan nakumpirma na naka-red notice it.

 

 

Ayon kay Tansingco, si Kawasaki ay inilagay sa BI watchlist at sinampahan ng deportation case dahil sa pagiging undesirable aliens nito.

 

 

Hiniling din ng Japanese government ang kanyang pag-aresto at deportayon dahil sa kasong falsification of official documents and financial fraud.

 

 

Base sa impormasyon na nakuha mula sa Interpol-Manila, sinabi ni Tansingco na si Kawasaki ay inakusahan ng pamemeke ng electronic record ng notarized deeds kung saaan niya ginamit sa panloloko sa ilang Japanese companies sa kanilang mga bank deposits.

 

 

“Japanese authorities also alleged that Kawasaki was responsible creating several shell companies which he used to siphon the funds of legitimate corporations who engaged his services as their investment manager,” ayon sa BIChief.

 

 

Ang mga shell companies na ito ay ginamit upang ikubli ang mga pondo kung saan in-withdraw ito ni Kawasaki at mga kasama nito mula sa bank accounts ng mga biktima.

 

 

Sinabi ni Tansingco na ipapa-deport si Kawasaki pabalik sa Tokyo pag nakapag-isyu na ng summary deportation ang BI Board of Commissioners. GENE ADSUARA

Other News
  • Silent protest ikinasa ng San Lazaro medical frontliners

    Nagsagawa ng silent protest ang San Lazaro Hospital noong Huwebes, July 16 sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harapan ng ospital.   Sa ulat, humihingi ang frontliners ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPEs) at kanilang mga sweldo habang sila ay naka-mandatory […]

  • Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE

    INAPRUBAHAN  na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.     Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners.   […]

  • $750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

    Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.   Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) […]