• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinintahan ang Loss and Damage Fund Board Act

 

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act.

 

 

Ang bagong batas , nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance mechanism para tulungan ang vulnerable states na dumaranas ng epekto ng climate change.

 

 

Isang kopya ng bagong batas ang isinapubliko ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Huwebes.

 

 

Sa pagkakapasa ng RA 12019, ang Board, bilang governing body ng Fund, ay dapat na mayroong ‘juridical personality na may full legal capacity” para ‘to contract, acquire and dispose immovable and movable property, as well as institute legal proceedings.’

 

 

Mayroon din itong legal na kakayahan na “negotiate, conclude, and enter into a hosting arrangement” sa World Bank bilang interim trustee at host ng Fund’s secretariat, at gumawa ng aktibidad kung kinakailangan para sa i- discharge ang papel at mga ginagawa nito.

 

 

Kamakailan, napili ang Pilipinas na mag-host ng Board ng Loss and Damage Fund.

 

 

Itinatag sa pamamagitan ng desisyon ng Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change at ng Paris Agreement, layon ng Loss and Damage Fund na tulungan ang ‘developing countries’ sa pagtugon sa ‘economic at non-economic loss and damage’ na may kinalaman sa climate change, kabilang na ang ‘extreme weather at slow-onset events.’

 

 

Ang Board, bilang isang decision-making body, ay responsable para sa pagtatakda ng ‘strategic direction, operations, at work program’ ng pondo.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagho-host ng susunod na board meeting ay makapagbibigay sa Pilipinas ng “strong voice to access the needed financial assistance for climate-related initiatives and impacts.” (Daris Jose)

Other News
  • Grateful sa mga nagawa ng aktres: VICE GANDA, iniyahag na magsasama sila ni GLADYS sa movie ni Direk JUN

    SA 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas kamakailan inihayag ni Vice Ganda na magsasama sila ng matalik niyang kaibigang aktres sa isang pelikula sa ilalim ng direktor na si Jun Lana. Lahad ni Vice, “Meron akong project with Direk Jun. Saktung-sakto kasi Jun Lana baby siya. “Sabi ko, ‘Sabihin […]

  • At peace at masaya na ang buhay sa Amerika: TOM, may pakiusap na ‘wag nang banggitin ang pangalan ni CARLA

    DAHIL sa pandemic, nauso ang reunion ng mga dating musical groups noong ’70s, ’80s at ’90s.      At isa sa mga gusto sanang mag-reunion ng ilang OPM lovers ay ang APO Hiking Society na binubuo nila Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo.     Sa naging Zoom mediacon ng teleserye na Unica Hija […]

  • Tiniyak na may libreng sakay

    NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa […]