Updated guidelines laban sa mpox, inilabas ng DOH
- Published on September 1, 2024
- by @peoplesbalita
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng updated guidelines para mapigilan, ma-detect at mapangasiwaan ang mpox o dating tinatawag na monkeypox dito sa Pilipinas.
Base sa inilabas na 8 pahinang Department Memorandum No. 2024-0306 na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang malapit na skin-to-skin contact gaya ng sexual contact, paghalik, pagyakap sa mga inibidwal na suspect, probable o kumpirmadong kaso ng mpox. Sakali man na hindi maiwasan, pinapayuhan ang mga caregiver na gumamit ng kaukulang personal protective equipment (PPE)
Ikalawa, dapat na obserbahan ang madalas at maayos na hand hygiene sa pamamagitan ng paggamit ng alcohol o paghuhugas ng kamay kapag narumihan o nakontamina.
Ikatlo, dapat na tiyaking ang mga bagay at lugar na nakontamina ng virus o nahawakan ng infected na indibidwal ay dapat na masinsinang malinisan at ma-disinfect.
Panghuli, pinapayuhan din ang publiko na iwasang magkaroon ng kontak sa mga hayop partikular na ang mga nagdadala ng virus kabilang ang may sakit o patay na hayop na natagpuan sa mga lugar kung saan may presensiya ng mpox.
Minamandato din ang lahat ng healthcare providers na obserbahan ang ‘high index of suspicion’ para sa mpox kapag sinusuri ang mga indibidwal na nagpapakita ng mga sintomas ng sakit tulad ng hindi maipaliwanag na pantal, mucosal lesions o lymphadenopathy.
Inatasan din ang mga ito na ipaalam sa DOH sakaling may suspect, probable o kumpirmadong kaso ng mpox sa loob ng 24 na oras mula ng madetect ang virus.
Samantala, lahat ng suspect at probable mpox cases ay dapat na masuri para sa laboratory confirmation ng mpox virus.
Kailangang mamonitor kada araw ang kanilang close contact para sa paglabas ng senyales o sintomas ng sakit sa loob ng 21 araw mula ng huling magkaroon ng kontak sa suspect, probable o confirmed case ng mpox.
Ang mga may mataas na banta na makaranas ng komplikasyon kabilang ang may malubha o kumplikadong mpox ay dapat na ma-admit sa ospital.
Samantala, ayon kay Sec. Herbosa, ang updated Mpox guidelines ng DOH ay binalangkas ng mga Filipino expert para sa Filipino communities na nakahanay sa international response. (Daris Jose)
-
SHARON, walang pakialam na pinost ang teaser ni POPS para sa ‘Centerstage’ kahit katapat ng ‘YFSF’
MAPUPURI mo talagang magmahal ng friends niya si Megastar Sharon Cuneta. Like na lamang nitong nakaraang ilang araw, nag-post si Sharon sa Instagram niya na humihingi ng dasal para sa kanyang TF, na si Fanny Serrano na na-stroke at dasal din niya, “Please Lord…don’t take him away from me yet…Don’t leave me, my […]
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]
-
7 dinala sa hospital dahil sa ammonia leak sa Navotas
NASA pitong katao ang isinugod sa hospital habang napilitang lumabas ng kanilang bahay para lumikas ang mga residente sa gitna ng malakas na ulan kasunod ng pagtagas ng ammonia sa planta ng yelo sa Navotas City, Martes ng madaling araw. Nakatanggap din ng report ang Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office […]