• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tangkang pag-aresto ng PNP kay Quiboloy, nakaaapekto na sa imahe ng Davao City – VP Sara

 

NAKAAAPEKTO na sa imahe ng Davao City ang nagpapatuloy na tangkang pag-aresto ng kapulisan kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy, at sa kapwa akusado nito.

 

 

 

“It is true that the city’s image and the residents’ businesses in Davao City were affected. Flights were disrupted in the first two days of their operation. No one wants this as our goal is to ensure a peaceful life for Davao City,” ayon kay VP Sara.

 

 

Nauna rito, pinangunahan ni VP Sara ang paggunita para sa nga biktima, kanilang pamilya at survivors ng ika-8 taong anibersaryo ng Roxas Night Market bombing sa Roxas Ave. sa Davao City noong September 1, 2016.

 

 

Sinabi pa ni VP Sara na ang pagpapatupad at pagsisilbi ng arrest warrant ay dapat na episyenteng makompleto. Ang sukat ng lugar ay hindi dapat ginagamit bilang ‘excuse’ para magtagal ang mga pulis sa lugar.

 

 

“With so many police officers already on-site, it is surprising that, after nine days, they have still not finished executing the arrest warrant,” ayon kay VP Sara, sabay sabing kung mayroong pang-aabuso sa kapangyarihan sa operasyon ay nananatiling idedetermina ng korte.

 

 

Sinabi pa niya, sa kanyang pagkakaintindi, ang mga miyembro ng KOJC, sa pamamagitan ng kanilang legal counsel, naghanda ng maraming kaso laban sa mga miyembro ng Philippine National Police at bahala na ang korte na idetermina kung may pang-aabuso sa awtoridad.

 

 

“In my personal opinion, there is abuse of authority. We don’t need to list the violations seen just to implement the arrest warrant. There is no issue with implementing the warrant of arrest, but it should be done according to the law,” ayon kay VP Sara.

 

 

Kinumpirma rin ni VP Sara na dadalo siya sa 39th Feast of the Passover ng KOJC sa Linggo para i-check at i-comfort ang religious group. Magbibigay din siya ng mensahe para sa mga ito ukol sa mga pangunahing rule of law alinsunod sa kanilang situwasyon sa compound.

 

 

Sinabi pa niya na malabo na ang kanyang pagbisita sa KOJC compound ay mapupulitika dahil bilang isang Davaoeño at Vice President ng bansa, responsable siya sa pagbibigay ng kaginhawaan sa mga KOJC members sa kanilang ng kasalukuyang kahirapan.

 

 

Hinikayat din ni VP Sara ang mga tao ng Davao City upang panindigan ang rule of law, palaging tugunan ang paglabag, kabilang ang constitutional violations o breaches of the law, at maayos na ipatupad ang arrest warrants.

 

 

Samantala, binatikos naman ni VP Sara ang mga pulis para sa pagpapatupad ng arrest warrants laban kay Quiboloy at kanyang mga kasamahan na ‘wanted’ para sa child at sexual abuse at human trafficking.

 

 

At nang tanungin kung nasaan si Quiboloy, pabirong sinabi naman ni VP Sara na nasa langit na ito. (Daris Jose)

Other News
  • MARIAN, parang kapatid na talaga ang turingan nila ni GLAIZA simula pa noong ‘Amaya’

    PARANG magkapatid na pala ang turingan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso actress Glaiza de Castro, simula pa noong unang magkasama sila sa GMA epic serye na Amaya in 2011.     Gumanap silang magkapatid sa serye kaya ang tawagan nila noon ay ‘Bai’ na ibig sabihin ay ‘sister’ at hanggang sa ngayon […]

  • Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

    Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.     Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.     Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]

  • Gilas Pilipinas nag start ng mag practice

    Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila.   Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa.   Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]