PBBM, tiniyak ang kahandaan ng gobyerno kay ‘Enteng,’ nangako ng napapanahong public advisories
- Published on September 3, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang gobyerno at mahigpit na binabantayan ang situwasyon sa ‘ground’ habang nananalasa ang Tropical Storm Enteng (international name Yagi) na nagpabaha sa ilang bahagi ng Luzon at bahagi ng Visayas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na may template na ang gobyerno na sinusunod ng mga ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs) sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao, idagdag pa ang mga pangangailangan at kagamitan ay naka- deploy ng ‘advance.’
“We’re prepared for the aftermath of all of this, and as usual,nag-forward placement na tayo ng mga pangangailangan, we will just have to wait for the weather to see what it will do,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Hopefully,umiwas sa atin, but even if it does not, we have all the elements in place to support our peoplena mahihirapan dahil dito sa naging Bagyong Enteng,” ang dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Hinggil naman sa pag-anunsyo ng ‘class at work suspension’, nangako naman si Pangulong Marcos na magpapalabas ng advisories “as early as possible.”
“Ang instruction ko sa kanila, kung maaari bago tayo matulog alam na natin kung may pasok bukas o hindi. Para makapag-adjust naman ‘yung mga tao,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinuspinde ng Malakanyang ang ‘government work at classes’ sa lahat ng antas sa Metro Manila, araw ng Lunes dahil sa masungit na panahon na dala ni Enteng.
Dalawang katao naman ang napaulat na namatay habang 10 iba pa ang nasugatan dahil sa Tropical Storm Enteng at southwest monsoon (habagat), ayon sa pinakabagong update National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). (Daris Jose)
-
‘Pasyang ibenta ang Blackwater franchise, irekonsidera sana’ – PBA chief
Umaasa si PBA Commissioner Willie Marcial na irerekonsidera ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang pasya nito na ibenta ang franchise ng Elite. Ayon kay Marcial, sakaling buo na ang pasya ni Sy na ibenta ang prangkisa, dadaan daw ang interesadong buyer sa mahaba at masalimuot na proseso bago maangkin ang koponan. “Hindi ko […]
-
4 Pinoy seamen lulan ng barko na hinuli ng Iran – DMW
KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang apat na Filipino seafarers sa mga tripulanteng lulan ng barkong hinuli ng mga Iranian authorities. Hindi pa naman tinukoy ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy seamen na lulan ng container ship na MSC Aries. Tiniyak naman […]
-
Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup
Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021. Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021. Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]