• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pasyang ibenta ang Blackwater franchise, irekonsidera sana’ – PBA chief

Umaasa si PBA Commissioner Willie Marcial na irerekonsidera ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang pasya nito na ibenta ang franchise ng Elite.

 

Ayon kay Marcial, sakaling buo na ang pasya ni Sy na ibenta ang prangkisa, dadaan daw ang interesadong buyer sa mahaba at masalimuot na proseso bago maangkin ang koponan.

 

“Hindi ko pa siya nakausap tungkol diyan, pero kung may plano siyang ganun, he has to make it formal by putting it in a letter addressed sa PBA board,” wika ni Marcial.

 

Nitong Miyerkules nang ianunsyo ng team owner ng Blackwater na nais na nitong ibenta ang team sa halagang P150-milyon.

 

Posibleng nag-udyok sa nasabing pasya ang babala ng PBA at ng Games and Amusement Board na sanction dahil sa umano’y pag-eensayo ng Blackwater.

 

Wala pa kasing itinatakdang petsa ang liga kung kailan maaaring makapagpraktis na ang mga teams, kahit na nagbigay na ng go signal ang Inter-Agency Task Force.

 

“I’m still studying the case as well as Mr. Sy’s statements,” ani Marcial.

 

Giit din ni Marcial, si Sy daw ang dapat na maghanap ng buyer ng franchise, at hindi ang PBA.

 

“Siya ang maghahanap. Kung meron na siyang kakilala na ready bumili, sila ang mag-uusap,” dagdag nito.

Other News
  • ‘Common understanding’ sa WPS propaganda lang ng Tsina DND, NSC

    ITINANGGI ng Department of National Defense (DND) na may umiiral na kasunduan sa pagitan ng Chinese Government na magko-kompromiso sa soberanya at at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni DND Secretary Gilbert Teodoro ang departamento ay walang kontak sa Chinese government simula pa noong 2023.     “This is […]

  • OFW Center, layon na ipromote ang kapakanan ng overseas workers’- PDU30

    MAKATUTULONG ang paglikha ng Overseas Filipino Workers (OFW) Center sa Las Piñas City para i-promote ang karapatan at kapakanan ng ng mga overseas workers.     Dinisenyo kasi ito upang maging one-stop hub para sa mga migrant workers.     Sa isinagawang groundbreaking rites ng OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, tiniyak ni […]

  • Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial

    WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9.     Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa […]