• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling napansin ang husay sa pagganap sa ‘Pieta’: ALFRED, waging Best Actor sa ‘WuWei Taipei International Film Festival’

ISA na namang tagumpay ang nakamit ng ‘Pieta’ na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, Gina Alajar at Alfred Vargas, na mula sa direksyon ni Adolfo Alix Jr..

 

 

 

Si Alfred kasi ang itanghal na Best Actor sa katatapos na WuWei Taipei International Film Festival.

 

 

 

Masayang ibinahagi ng actor-politician sa kanyang Facebook post na kakaiba at isang malaking karangalan ang mapansin ang husay at galing niya bilang aktor sa international filmfest.

 

Ayon sa post ni Coun. Vargas, “Ad Majorem Dei Gloriam! ❤️🙏🏽

 

“Extraordinarily grateful and honored to receive the TAIPEI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL BEST ACTOR AWARD!

 

“Thank you, everyone who believed in me. Thank you, Team PIETA Direk Adolf @aalixjr , Ate Guy, Direk Gina Alajar and all the cast and crew!!! And most of all, thank you, Lord!!! ❤️🙏🏽

 

“Special thanks to my loving and supportive wife, Yasmine @yasmine_vargas2307 and my four children, Alexandra, Aryana, Cristiano and Aurora ❤️ Thank you, NDM Studios @njeldemesa and the whole team.

 

“Thank you to all the organizers and staff for the wonderful program that was for the books! Truly and unforgettable night.”

 

Ikalawang Best Actor ito ni Alfred para sa pelikulang ‘Pieta’. Nauna na siyang nagwagi sa 72nd FAMAS Awards.

 

Bukod kay Alfred nagwagi rin sa WuWei Taipei International Film Festival si Kiray Celis bilang Breakthrough Performance Award sa natatangi niyang performance sa ‘Malditas in Maldives’, na tinanghal ding Best Picture.

 

Wagi rin si Gerald Santos ng Best Actor in a Movie Musical para sa ‘Al Coda’. Nasungkit naman ang Best Actress trophy ni Angeli Khang para sa mahusay niyang pagganap sa ‘Silip Sa Apoy’.

 

Congrats, mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

 

***

 

SA Facebook page ng Puregold, in-annnounce ang mga finalist sa Puregold Cine Panalo Film Festival 2025.

 

Mababasa sa caption na…

 

“Basta Puregold, laging may pasobra! From 7 full length films, we added 1 more!

 

“Here are the Top 8 finalists in the full length film category of #PuregoldCinePanaloFilmFestival2025!

 

“Congratulations to all of the filmmakers! Talagang buhay na buhay ang pelikulang Pinoy!

 

Lights, camera, panalo sa March 2025! #AlwaysPanalo.”

 

Narito ang mga pelikulang nakapasok:

 

‘Perlas sa Silangan’ ni TM Malones

 

‘Tagsibol’ ni Tara Illenberger

 

‘Sepak Takraw’ ni Mes de Guzman

 

‘Journeyman’ nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat

 

‘Olsen’s Day’ ni JP Tabac

 

‘Co-Love’ ni Jill Singson Urdaneta

 

‘Fleeting’ ni Catsi Catalan

 

‘Food Delivery’ ni Baby Ruth Villarama (Producer’s Choice)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco

    MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kur­yente ngayong Oktubre.     Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre.   […]

  • Año, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang inisyatibo ng PNP

    UMAASA si Outgoing Interior Secretary Eduardo Año na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa na kanilang sinimulan sa  loob ng Philippine National Police (PNP).     Kumpiyansa ang Kalihim na mapapanatili ng  incoming government ang kanilang tagumpay.     Sa isang talumpati sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City,  sinabi ni […]

  • Ads May 25, 2021