• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena may bagong event

 

HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena.

 

Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City.

 

Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon.

 

“I am truly sorry for this. I and the organizing team worked tirelessly to make this happen; unfortunately, we encountered a few unexpected hurdles, including my fractured vertebrae,” ani Obiena.

 

Isa sa pangunahing dahilan nito ang pagtatamo ni Obiena ng back injury.

 

Kaya naman minabuti nitong magpahinga na lamang muna sa anumang uri ng kumpetisyon.

 

“The organizing team believes that we won’t be able to adequately deliver the competition to its full potential. I respect their view and expertise as we all want a world class event; thus, we are forced to postpone and plan again,” dagdag ni Obiena.

 

Lalahok sana sa naturang event sina world champion, Olympic champion at world record holder Armand Duplantis ng Sweden gayundin si Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks.

 

Bilang kapalit, magkakaroon na lamang si Obiena ng meet and greet sa Setyembre 15 sa Ayala Malls Manila Bay Activity Center.

 

“See you all on the 15th of September at 10am in the Ayala Malls Manila Bay Activity Center,” dagdag ni Obiena.

 

Nagtapos lamang sa ika-apat na puwesto si Obiena sa Paris Olympic matapos magkasya sa 5.92 metro.

Other News
  • DongYan fans, walang dapat ipag-alala: DINGDONG, natsi-tsismis na namang may babae na malinaw na haka-haka lang

    HINDI kami halos makapaniwala na simula sa pagiging child actress at five years old at halos napakaraming nagawang teleserye sa ABS-CBN, bukod pa sa suki rin dati ng ‘Maalaala Mo Kaya’, unang lead role pa lang pala talaga ni Jane Oineza ang “Nag-aapoy na Damdamin” na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, July 24 sa Kapamilya Gold. […]

  • MGA WANTED NA DAYUHAN, IPAPA-DEPORT

    INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa.     Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang apat na dayuhan ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik […]

  • MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo

    NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.   Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng […]