• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA sinita sablay na feeding program ng DepEd

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun, nabubulok na mga food item, hindi ma­ayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kuwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

 

Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim ng P5.69 bilyong School Based Feeding Program (SBFP) ng DepEd.

 

Ayon kay bagong DepEd Sec. Juan Edgardo Angara, may nakitang mga insekto sa loob ng Karabun/Milky bun and E-nutribun (squash) noong isagawa ng state auditors ng COA sa Aurora ang nasabing mga pagkain.

 

Sa Bulacan SDO, ang mga ipinadalang pagkain ay bulok, hindi pa hinog, o nasira. Ang Bulacan at Aurora ay kapwa nasa Region 3 (Central Luzon).

 

Sa Metro Manila, ­inireklamo ng Quezon City SDO ang hindi magandang packaging at ang laman umano ay mas maliit o mas magaan kumpara sa nakalagay sa kontrata.

 

Layunin ng SBFP na matulungan ang mga undernourished learner sa mga pampublikong paaralan. Ang feeding program ay mayroong dalawang bahagi— ang NFP o pagbibigay ng hot meal o food items gaya ng prutas, itlog, kamote, at nutty bars; at pasteurized fresh milk.

 

Sa 10 rehiyon, late dumating ang gatas o walang dumating sa buong school year.

 

Nangyari umano ang delay kahit na-release na ang pondo sa unang quarter pa lamang ng 2023.

 

Sa Camarines Sur SDO, ang halos P100 milyong halaga ng produktong pagkain ay hindi dumating at ang supply contract para sa gatas ay hindi nalagdaan.

 

Sa Palawan SDO, nauna umano ang pagbabayad sa supplier kaysa sa pagdating ng mga pagkain.

 

Bagama’t naipamigay umano ng mga SDO ang mga pagkain at gatas, sinabi ng COA na hindi nasunod ang guidelines ng DepEd Feeding Program dahil dinoble-doble na lamang umano ang ipinamigay at maging ang mga estudyante na hindi undernourished ay nabigyan. Ginawa umano ito upang hindi masira ang mga pagkain.

Other News
  • ONLINE SHOPPING SCAM GETS DEADLY IN “TARGET” STARRING SHIN HAE-SUN

    SHOPPING for second-hand items online becomes a terrifying and life-threatening situation in the upcoming Korean action thriller “Target” starring K-Drama’s most renowned actors led by Shin Hae-Sun, along with Kang Tae-Oh and Kim Sung-Kyun.       Together the actors give life to everyday, realistic characters embroiled in the hazards brought about by online scams.   […]

  • P90 million na droga nasamsam ng PCG sa Sorsogon

    NASAMSAM ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P90 milyong halaga ng illegal na droga sa dalawang suspek sa Magnog Port, Sorsogon.   Ayon sa PCG, katumbas ng 18 kilo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek nitong Linggo.   Nagsagawa ng routine paneling inspection ang Coast Guard K9 Unit sa Sorsogon sa nasabing daungan at […]

  • Taliwas sa naging pahayag ni Direk Darryl: MTRCB, nilinaw na ‘di pa nila nirerebyu ang ‘Pepsi Paloma’ dahil kulang pa sa requirements

    SA Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap, nagpasalamat ito sa mga husgado at sinabing ni-review na ang pelikulang ‘Pepsi Paloma’ ng MTRCB. Ayon kay Direk Darryl,  “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth. “The teaser is just a micro-part […]