Kahalagahan ng Agosto 21‘wag kalimutan
- Published on August 23, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING hinikayat ni dating Manila Mayor at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang kahalagahan ng Agosto 21 sa kasaysayan ng ating bansa tulad nang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 1983.
“Dapat tayong mga Pilipino ay huwag kalimutan ang Agosto 21 na isang araw ng kapighatian. Alalahanin natin ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito sa ating kasaysayan bilang isang bansa,” ayon pa kay Atienza.
Malinaw na rin aniya na ang Plaza Miranda bombing ay pinlano at isinagawa ng mga kaaway ng estado, ang New People’s Army (NPA), ayon sa mga umamin sa pakana ng malupit na pag-atake gamit ang granada sa mga miyembro ng oposisyon at hindi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na siyang unang inakala ng marami.
Bilang dating alkalde ng Maynila, sinabi ni Atienza na hinukay nila ang katotohanan kaya natiyak niya na ang NPA ang may sala sa mababang uri ng pag-atake sa Liberal Party rally, kung saan siya ay isang batang kandidato para sa City Council.
Ang pagpapalit din ng petsa ng pag-alala sa pagkamatay ni Ninoy na mula sa Agosto 21 at inilipat sa Agosto 23 ay hindi nakakababa sa halaga ng kanyang sakripisyo at patriotismo.
Dagdag pa ni Atienza, palagi nating alalahanin ito ng may pagmamahal at manatili itong buhay sa ating mga puso at isipan.
-
Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na
Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease. Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno. […]
-
Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC
SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino. Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan […]
-
Gadon, nanumpa sa bagong posisyon sa harap ni PBBM
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon, araw ng Lunes, Hulyo 10. Kumpiyansa ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Gadon para tugunan ang kahirapan sa bansa. Sa kabila ng tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensiya bilang abogado si Gadon […]