Isa sa itinuturing na pinakamayamang aktor sa ‘Pinas: COCO, mukhang desidido na sa pagbili ng property sa Spain
- Published on September 7, 2024
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA sa amin ng isang friend ABS-CBN insider ang sinasabing may bibilhin ng isang property si Coco Martin sa Spain.
On negotiation at pinag-aralan na raw ng abogado ng aktor ang bibilhin na isang house and lot na located sa isang magarang subdivision sa naturang bansa.
Hindi naman magkaroon ng problema si Coco. Ang pagiging Filipino dahil pinayagan din naman sa Spain ang non-EU nationals sa pamamagitan ng property investment para sa golden visa at magiging eligible ang Filipino citizen para mag-apply for citizenship pagkatapos ng dalawang taon.
Banggit pa ng source namin na maituring daw na isa sa pinakamayamang aktor si Coco sa ngayon.
Incidentally, sa kanyang seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” ay super rich ang bagong Tanggol.
Biglang nagbago ang kapalaran ni Tanggol dahil sa ibinenta niyang diamanteng ‘Star of Venus’ sa mayamang negosyanteng si Divina (Rosanna Roces). At kasosyo na rin siya sa negosyo.
At kahit milyonaryo na si Coco sa serye ay tuloy pa rin ang pagdating ng mga kontrabida sa buhay niya.
***
NAKAUSAP namin ang anak ni Isko “Yorme” Moreno na si Joaquin Domagoso nang nakiramay ang Kapuso Star sa isa sa mga residente na namatayan.
Ayon pa kay Joaquin ay tuloy-tuloy na raw ang pagpalaot niya sa mundo ng pulitika.
Tatakbo siyang kunsehal sa unang districto ng Maynila.
Sa totoo lang saksı kami kung paano pinagkakaguluhan si Joaquin ng mga taga-Tondo.
And from the way we look at it, mukhang another Isko Moreno in the making si Joaquin as far as public servant is concern.
Sarili raw niyang kagustuhan yun at walang kinalaman ang ama niyang magbabalik pulitika at tatakbong mayor ng Maynila.
Kaya mukhang isasantabi muna ng Sparkle artist ang kanyang showbiz career.
Ngayon pa lang ay binabati na namin si Coun. Joaquin Domagoso at ang ama niyang si Mayor Isko Moreno, huh!
(JIMI C. ESCALA)
-
Perang hiniram ng gobyerno para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout, nananatiling nasa bangko- PDu30
NANANATILING nasa bangko ang perang hiniram ng pamahalaan para pondohan ang COVID-19 vaccine rollout. Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nananatili ang pera sa lending bank at hindi ito hinahawakan ng gobyerno ang anumang pera bilang cold cash. “The money is still in the […]
-
DOH, isiniwalat ang komprehensibong aksyon upang matugunan ang mga problema sa nutrisyon sa PH
TINUTUGUNAN ng DOH ang isang komprehensibong diskarte na sumasaklaw hindi lamang sa mga umiiral na isyu laban sa undernutrition ngunit kabilang din ang mga alalahanin na may kaugnayan sa over nutrition, micronutrient malnutrition, at food security. Ito ang isiniwalat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Enrique Tayag bilang kasama sa mga “multi-faceted […]
-
Manny puno ng pasasalamat
Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat. Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada. “I want to thank God for giving […]