“Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng pamumuno. Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan.”
Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa harap ng daan-daang Bulakenyo bilang panauhing pandangal sa Ika-126 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos na ginanap kamakailan sa harap ng makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito.
Sinamahan siya nina Alvin R. Alcasid, kinatawan ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chair Regalado Trota Jose, Jr. at PNP Provincial Director PCOL. Satur L. Ediong sa isinagawang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo, na sinaksihan nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Lungsod ng Malolos Christian D. Natividad, Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at Reb. Padre Domingo M. Salonga ng Nuestra Senior Del Carmen.
May temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”, binigyang-diin din ni Fernando ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos bilang simbolo ng pagiging makabayan, pagkakaisa, at lakas ng mga Pilipino habang inaalala kung paano ginawa ng mga delegado ang Konstitusyon ng Malolos na naglatag ng pundasyon para sa Unang Republika ng Pilipinas at nagmarka ng mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa.
Ang Kongreso ng Malolos na opisyal na tinatawag bilang National Assembly at karaniwang kilala bilang Rebolusyonaryong Kongreso, ay nagsilbing lehislatibong katawan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas, habang ang mga miyembro nito ay nahalal sa pagitan ng Hunyo 23 at Setyembre 10, 1898.
Samantala, ang Rebolusyonaryong Kongreso na naitatag noong Setyembre 15, 1989 sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan at ang komemorasyon nito ang hudyat ng pagtatapos ng isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2024.
-
Dahil gumaganap na nanay niya sa ‘Pulang Araw’: DAVID, hindi na puwedeng pagpantasyahan si MARIA OZAWA
ISANG mahalagang katungkulan ang gagampanan ng aktres na si Gladys Reyes. Sumumpa kamakailan si Gladys bilang miyembro ng Appeals Committee ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang video at ilang litrato ng kanyang panunumpa sa tanggapan ni Executive […]
-
Hidilyn Diaz desididong makakuha ng gold medal sa 2024 Olympics
DESIDIDO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya. Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics. Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya. Pinayuhan din […]
-
Pares vendor na hinoldap at binaril sa Maynila, pumanaw na
Binawian na ng buhay ang pares mami vendor matapos sumailalim sa major operation sa Philippine General Hospital (PGH) kamakalawa ng gabi, Pebrero 25. Ayon sa bunsong kapatid ng biktimang si Samson Bautista, na si Sidney Bautista Mercado, alas 9:21pm nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid. Pahayag pa ng kapatid, natanggal naman umano […]