• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pares vendor na hinoldap at binaril sa Maynila, pumanaw na

Binawian na ng buhay ang pares mami vendor matapos sumailalim sa major operation sa Philippine General Hospital (PGH) kamakalawa ng gabi, Pebrero 25.

 

Ayon sa bunsong kapatid ng biktimang si Samson Bautista, na si Sidney Bautista Mercado, alas 9:21pm nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid.

 

Pahayag pa ng kapatid, natanggal naman umano ang parte ng bala sa batok ng kanyang kapatid ngunit hindi na rin kinaya ng kanyang katawan.

 

Si Bautista ay unang na-admit at naratay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Center (GABMMC) matapos barilin ng naarestong suspek na si Alexander Ogdamina, alyas Kalbo, 36, residente ng Gasangan, Baseco Compound, Port Area.
Habang kausap ang nakababatang kapatid ng biktima, hindi naman mapigilan ang buhos ng kanyang pag-iyak dahil sa sinapit ng kanyang kuya at maglabas din ito ng hinanakit sa suspek.

 

“Buhay ang nawala sana buhay din ang kapalit. Kung mabuhay pa sana si kuya mapapatawad pa namin siya pero wala na siya, nakakakaawa ang ginawa niya sa kuya ko” hinagpis ni Sidney.

 

“Akala namin magiging okey na siya kasi nagpakitang gilas pa siya, nakausap pa siya ni Mayor Isko Moreno nung pinuntahan sa Gat tapos bigla nalang siyang bumigay”, dagdag pa niya.

 

Nabatid na dinala ang labi ng biktima sa kanilang probinsya sa Tiaong, Quezon dahil nang nabubuhay pa umano ito ay hiniling niya sa kanyang mga kapatid na dalhin siya sa probinsya upang doon magpagaling.

 

Si Bautista ay may iniwang tatlong anak sa kanyang maybahay na ngayon ayon kay Sidney ay hindi alam kung paano na masu-suportahan ang kanilang anak.

 

Muli namang nanawagan ng tulong at hustisya ang pamilya ng biktima kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at sa pamunuan ng Manila Police District (MPD). (Daris Jose)

Other News
  • Action-drama series ni COCO, mapapanood na sa 41 countries sa Africa

    IBANG klase rin naman talaga ang widely-followed series na FPJ’s Ang Probinsyano.     Starting this July 1 ay mapapanood na ang action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin sa 41 countries sa Africa.     So ibig sabihin malayo pa talaga ang tatakbuhin ng FPJAP dahil sa bagong development as far as the series […]

  • Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund

    PLANO ng Pilipinas na tapikin ang  mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund.     Habang sinimulan  na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng  sovereign wealth fund […]

  • Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM

    PATULOY na pinaplantsa  ng pamahalaan ang  problema sa industriya ng asukal.     Ito  ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental.     Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]