Tolentino nais mag-USTe
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
ISA sa mga gumawa ng pangalan sa Ateneo de Manila University Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball ang player na si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino. Pero kung pagkakataong makapamili ng iba pang mapaglalaruan bukod sa ADMU-Quezon City, sa University of Santo Tomas Golden Tigresses ang pangarap ng Premier Volleyball League (PVL) star. “Maybe, I will say UST as a safe answer,” lahad ng 25 taong gulang, 6-2 ang tangkad na dalaga sa Tiebreaker Vodcast: So She Did!” nitong Martes ng gabi. Nasa pangalawa aniya ang España-based squad dahil marami sa angkan niya, lalo na ang kanyang mga magulang ang mga nagsipag-aral din sa naturang pamnatasan. “Because that’s where my parents went, so that’s safe and a lot of like, my relatives went to UST,” talak pa ng Fil-Canadian na, isa sa key player ng Katipunan-based team at napabilang sa 2014 Ateneo Fab Five. Dumagit si Tolentino ng isang championship sa UAAP Season 81 2019 bago binulilyaso ang Season 82 nitong Marso ng COVID-19. Kasalukuyang nasa Vancouver muna ang balibolista at nakatakdang bumalik sa ‘Pinas para maglaro sa Choco Mucho Flying Titans sa 4th PVL 2020. (REC)
-
Ads August 10, 2023
-
Bebot na nasa top 10 most wanted person ng Navotas, nalambat
ISANG babae na nakatala bilang top 10 most wanted person ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ali, 24, at residente ng lungsod. Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap […]
-
Ravena 3 buwang pahinga
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan. Pinapagaling na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes. “Happy to announce that my […]