• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena 3 buwang pahinga

IPINAHAYAG  ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa  Chunichi Hospital sa Narita, Japan.

 

Pinapagaling  na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import  Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes.

 

“Happy to announce that my operation was a success! Thank you to the wonderful team of Dr. Nakao at Chunichi Hospital and my @neophoenix_official family. Be back soon,” wika ng 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa kanyang Instagram post.

 

Kaya hindi na siya makakapag-All-Star Game bilang kasapi ng B. WEhite Team at makakasali sa Slam Dunk Competition ng B. League All Star Weekend sa darating na Enero 15-16.

 

Nakuha ng 24-anyos, 6-2 ang taas at Ilonggo shooting guard ang injury buhat sa looseball recovery sa third quarter game sa 2020-21 Japan B.League sa nakaraang magdadalawang linggo na ang nakararaan sa laro ng kanyang team sa 81-80 talo kontra Shibuya Sun Rockets.

 

Malaking kawalan ito sa San-En lalo’t may may 5-22 win-loss record pa lang at aabuting pagkatengga ng Pinoy baller sa 24 games hanggang Abril.

 

Ang disgrasya’y nagpaliban din sa basketbolista na makasali sa all-star game at slam dunk competition ng liga sa darating sanang Enero 15-16. Pero tuluyan na ring kinansela ang okasyon dahil sa pagtaas ng Covid-19 sa Land of the Rising Sun. (REC)

Other News
  • Motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA, bukas na sa EDSA

    NAGBUKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA   “Kasi talagang tuwing umuulan medyo talagang medyo delikado dahil iyong iba. humihinto sa gilid, eh baka hindi makita ng sasakyan eh mabangga sila. Pero of course, naunawaan natin na dapat talagang sumilong sila at mahirap baka sumemplang sila. so […]

  • Ads April 9, 2022

  • Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

    IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]