Semi-bubble sa pro cage league – GAB
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA ni Games and Amusements Board (gab) chairman Abraham Kahlil Mitra na mag-semi-bubble para makapag-workout at practice ang professional basketball teams sa mga lugar na kaunti lang ang kaso ng coronavirus gaya NG Batangas, Bataan at Quezon. Ipinaliwanag ng opisyal kamakalawa na puwedeng makapag-ensayo o ehersisyo ang mga mga nasa Philippine Basketball Association (PBA) at maging ang Philippine Football League (PFL). Ang mga lugar na nasa General Community Quarantine o mas mababa ang quarantine status ay mas maluwag base sa inaprubahan na Joint Administrative Order ng Department of Health, GAB at Philippine Sports Commission, Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease. ”Of course, hindi ito gaya ng (National Basketball Association (NBA) bubble na halos worth $1.5B but the pro teams can enter in a semi bubble as approved by the provisions of the JAO,” aniya. (REC)
-
MANILA LGU, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIBRENG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MANILENYO
NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng […]
-
PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector
DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon. Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]
-
SOLO PARENTS SA NAVOTAS NAKATANGGAP NG CASH AID
NASA 200 Navoteños na kuwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng pondo ng Gender and Development (GAD). Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay parte din ng serye ng pandemic recovery programs ng […]